Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie bumaba ang level kay Julie Anne

0 464

ROMMEL PLACENTE: Sa guesting ni Barbie Forteza sa primetime series ng GMA na “Heartful Café” ay kontrabida ang role niya.

Ito’y pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Maraming mga fan ni Barbie ang nagulat mga ka-Cuatros na tinanggap niya ang kontrabida role dahil nagbibida na siya sa mga serye.

Pero para sa akin,humanga ako kay Barbie. At least pumayag siya na tumanggap pa rin ng supporting role. ‘Yan ang tunay na artista, at may pagmamahal sa kapwa niya talents ng GMA 7.

Marahil,tinanggap ni Barbie ang special appearance na ito dahil challenging naman ang naging role niya. In fact,tumatak ito sa televiewers at umani pa ng papuri mula sa mga netizen.

Sabi ng isang fan, kahit wala pa raw sinasabi si Barbie ay nakakainis na ang expression ng kanyang mukha.Versatile actress talaga si Barbie.Kaya niya ang bida at kontrabida role.

RODEL FERNANDO: I dont see any problem kung mag-support man si Barbie kasi sa hirap ng buhay ngayon ay kailangang kumayod lalo’t pandemya. Marahil, ‘yung puro labas lang ng pera. Sa panahong ito ay tama na yung pataasan ng pride o mag-isip pa ng ikakasira ng karera mo ang maging second lead o support na lang. Sa tulad ng dalaga na kahit hindi siya bida sa teleserye ng Kapuso ay hindi naman mawawala ang paghanga sa kaniya bilang isang magaling na artista.

Marami na ring nagbida dati sa mga project pero tumanggap na rin ng supporting role gaya nina Maricel Soriano, Ai Ai delas Alas at Claudine Barretto na kilalang mga major star.

MILDRED A. BACUD: Ikinagulat lang siguro ng mga fan ang pagpayag ni Barbie sa supporting role. Naikukumpara nila marahil sa mga artista sa Kapamilya network na karamihan ng mga sikat na artista ay partikular sa role na ginagampanan nila. Like kung nagbibida na ay dapat ma-maintain at hindi pwedeng support na lang sa susunod na project. Ang nakikita lang siguro ng iba ay isa sa sikat na artista ng Kapuso network ang aktres at infairness nagri-rate ang mga shows na ginagawa niya kaya nagulat sila na support lang sya sa nasabing project. Ala naman masama talaga. Baka naman may dahilan si Barbie kung bakit niya tinanggap ito. May mga big stars din naman na pumayag mag-support sa mga baguhang artista pa nga.

SM food to go Banner Ad

ROLDAN CASTRO: Naku tigilan na ang intrigang hindi kayang magdala nina Julie Anne San Jose at David ng isang serye kaya dinagdag sina Barbie at Jak Roberto. Ngayon naman ay sina Jeric Gonzales at Klea Pineda ang eeksena.

Baka gusto lang ng GMA -7 na magandang serye ang i-offer nila sa mga Kapuso viewers kaya dinagdagan ng sikat sa cast.

Tantanan na rin ang sinasabi nilang bumaba umano ang level at estado ng career ni Barbie dahil pumayag na supporting sa serye nina Julie at David.

Alam ng GMA Artist kung ano ang karapat-dapat sa alaga nila at kung bakit pinayagan nilang mag-guest si Barbie.

Prinsesa pa rin ng kapuso ang aktres at may tatak na nagre-rate ang pinagbibidahang show.

Ang nakakalungkot lang, last 2 weeks na agad ang seryeng ito.

Maagang magpapaalam sina Julie at David sa ere,huh!

Baka naman maagang natapos dahil mahirap at magaatos mag-taping ngayong pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.