Abante Tonite Interactive

Barbie, dapat magdabog ang bangs

By
21

KUNG ako sa tinaguriang Kapuso Teen Queen na si Barbie Forteza, magdadabog ang bangs ko.

Kasi, sobrang damang-dama niya nowadays kung gaano siya kaimportante sa home network niya.

Importante ang papel niya sa pelikulang Tuos, ang Cinemalaya entry kung saan gaganap siyang apo ni Ms. Nora Aunor.

Ang superstar ang orihinal na binukot at ang karakter ni Forteza dapat ang humalili sa kanya para ipagpatuloy ang tradisyon.

Sa isang panayam, ina­min sa amin ni Barbie na ang makatrabaho ang people’s national artist ang major, major reason kaya hindi siya nagdalawang-isip na tanggapin ang movie.

“All for the love of Nanay Nora,” say niya kaya kahit may mapangahas na love scene siya sa damuhan with Ronwaldo Martin, go for gold si Forteza.

Para ito sa bayan at para sa superstar.

Ang nakakatuliro. tila hindi proud at walang keber sa kanyang project ang GMA Artist Center.

Naisipan man lang ba nilang magpa-solo presscon para sa mahusay na batang aktres para magdagdag-ingay sa kanyang Cinemalaya project?

Two years ago ay nagwagi ng best supporting award si Barbie sa Cinemalaya for Mariquina pero bulag, pipi at bingi rin ang GMA Artist Center about it.

Kamakailan, nagwagi si Forteza ng acting award sa isang international film festival for her work in Laut pero sound of silence at silence of the lambs ang sukli ng GMA Artist Center sa kanyang mga pagwawagi.

At kung may press paandar para sa kanyang victory in Portugal, sila-sila lang yata ang nakaalam at the usual suspects of pralala at hosanna writers ang inimbitahan.

Thinking out loud, kung si Barbie ay taga-Star Magic kingdom, super hyped at pushing ang mga panalo nito at mas malalaking pasa­bog at payanig ang gagawin nila now that she is acting with the greatest of them all, ang nag-iisang si Ms. Nora Aunor.

Hiyang-hiya ako sa GMAAC.

Busy as a bee yata kayo dahil sa karerang bonggang-bongga ni Alden Richards.

Eh kaya naman sumikat si Richards na bonggang eh hindi dahil sa inyo, kundi dahil sa APT at Eat Bulaga and the phenomenon that is ALDub.

Naki-ride on na lang kayo, sa true lang.

Kaya sa supporters ni Barbie Forteza, sugod na sa CCP at panoorin ang Tuos.

Simula na ang Cine­malaya Film Festival 2016 in case you don’t know.