Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie, Diego ayaw maging karnabal ang wedding

0 58

NI: ROLDAN CASTRO
Dumalo sina Barbie Imperial at Diego Loyzaga sa nakaraang kasal ni Ara Mina.

Tinanong si Diego kung hindi ba siya nainggit sa kasalang naganap? Kumbaga, yayain na rin si Barbie na lumagay sa tahimik.

“Hindi siya inggit. Na-inspire ako na kailangan kong galingan, bilisan at tuloy-tuloy pa (trabaho) para someday soon kami naman, di ba?,” pakli niya sa face to face presscon ng seryeng “Encounter” ng TV5 na napapanod tuwing Sabado, 9PM. Puwede na ring mag-stream sa Vivamax simula sa July 23.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sey ni Diego ayaw nilang gayahin ni Barbie ang magarbong kasal ni Ara. Di nila bet na maging karnabal ang kanilang wedding.

“Pareho kaming nag-agree na hindi ganoon ang wedding namin, simple lang. Sobrang ganda talaga ang wedding ni ate Hazel (Ara), no doubt pero hindi kailangan na ganoon ka-wild,” saad pa ng aktor.

Leave A Reply

Your email address will not be published.