Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie, Diego nagdi-date na

0 371

RODEL FERNANDO: Malakas nga ang bulung-bulungan ngayon na may namumuong relasyon sa pagitan nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. As in, happy raw sila ngayon at madalas ay nakikita silang magkasama. Kaya lang pinagdidiinan pa rin ni Barbie na magkaibigan lang daw sila ni Diego.

Kung totoo man na may namamagitan sa dalawa ay wala namang problema kung tutuusin kasi pareho namang single.

Ang magiging problema lang ay baka mamroblema itong dalaga sa binata dahil mainitin umano ang ulo ni Diego. Pero malay natin baka mabago ito ni Barbie. At may chance naman siguro na makinig at sumunod ang aktor sa flawless na aktres.

Well, sige lang at para naman hindi maging malamig ang Pasko nila pero dapat pa rin nilang isipin ang kanilang career. May mga project nga si Barbie pero hindi masyadong maingay. Si Diego naman ay nabalitaan naming may ginagawa sa Viva with AJ Raval (anak ni Jeric).

ROMMEL PLACENTE:Oo nga ka-Cuatros na Rodel,mukhang may something na kina Diego at Barbie, na pareho pa silang hindi kumukumpirma sa real score.Lagi nga silang nagdi-date. And just recently, spotted sila sa isang museum sa Antipolo. Pero choice naman nila kung ayaw nilang umamin. Siguro this time,gusto nilang maging pribado na lang ang kanilang relasyon at hindi na dapat malaman o makialam ang publiko.

Pero kung sila na nga o maging sila, gaya nga ng sabi mo ka-Cuatros na Rodel ay magbago na sana si Diego dahil nabalitaan din namin na di umano ay may attitude. Naging dahilan nga raw ‘yun para makipaghiwalay sa kanya ang ex na si Sofia Andres.Pero ang lahat naman ng tao ay nagbabago. Baka mapagbago siya ni Batbie di ba kung talagang sila na.

MILDRED A. BACUD : Nag-umpisa ang paghanga ni Diego kay Barbie nang magpost ito sa kanyang IG ng naka-sexy bikini sa isang resort sa Iloilo. Napaka-comment siya ng “Waw. ” Sumagot naman ng thinking emoji ang pinsan ni Barbie na si Marco Gumabao. Lumabas ito sa Abante Tonite nu’ng November 1.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pero mga ka-Cuatros sabi naman ni Barbie matagal na silang magkakilala ni Diego. Marami silang common friends kaya hindi nakakapagtaka na makita silang magkasama. So safe to say ba na friendly date lang yun na baka kasama ang ibang friends nila?Kung true man pareho naman silang single.Hindi rin naman nakakapagtakang magkagusto si Diego kay Barbie. In fairness sa aktres mas open na siyang magpost ng mga sexy photos niya sa kanyang IG. Malaki rin naman talaga ang ginanda niya kaya naman marami ang napapa-wow at kasama dun si Diego.

ROLDAN CASTRO: Mukhang bagay naman sina Barbie at Diego.

Sana lang ay may natutunan sila sa kanilang mga nakaraang relasyon para tumatag kung ano man ang meron sila ngayon.

Last year ay naka-bonding namin si Barbie sa San Vicente, Palawan. Maraming off the recond na kuwento sa kanyang mga ex na sina JM de Guzman, Ryle Santiago at Paul Salas.

Wish namin maka-kuwentuhan ulit si Barbie para malaman ang real score sa kanila ni Diego. Ma-PR at hindi paligoy-ligoy ang aktres pag bumangka na siya sa tsikahan sa press.

Nakaka-miss ‘yung ganoong kuwentuhan,huh!Masarap kausap si Barbie!

Pak!

Leave A Reply

Your email address will not be published.