Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie dyosa ni Diego

0 94

NI: ALWIN IGNACIO
Juice colored! Si Barbie Imperial na talaga ang millennial diyosa ng pag-ibig. Bakit kaniyo? Grabehan naman kasi ang effort ni Diego Loyzaga para sa kasintahan.

Hindi lang basta pinaparamdam, pinapakita pa ni Loyzaga through his romantic efforts kung gaano niya kamahal at sinasamba ang dalaga. Literal na dyinodiyosa niya ang kanyang iniirog.

Makikita sa IG ni Barbie kung ano ang sopresa ni Loyzaga sa kanya. Ang reaksyon niya nga sa best in romantic production design na kaganapan mula sa kanyang beloved: “Came home to this. Grabe naman. Thank you, grabe ka talaga 😭 you’re the best. Thank you my love.”

SM food to go Banner Ad

Sa tatlong larawang ibinahagi ni Barbie, hindi pwedeng itanggi na to the moon and back ang pagmamahal para sa kanya ni Diego. Walastik, fantastic at tunay na romantic ang transformation ng espasyo ni Imperial.

Kitang-kita rita how happy Barbie is because of the surprise at ‘yung larawan nilang magkayakap, captured talaga ang look of love nilang dalawa.

Naku, ngayong nasa Pilipinas na ang UK variant of the virus, ang ganitong happy incident, mas masarap pag-usapan kesa ma-praning at nerbiyusin tayong muli dahil nga sa panibagong kalaban.

This the British invasion na hindi ko bet, huh! Kaya kay Diego Loyzaga and Barbie Imperial, thank you for tickling us pink and the kilig that we felt because of your romance.

Leave A Reply

Your email address will not be published.