Abante Tonite Interactive

Barbie ginamit si JM

By
0 225

Muli na namang pinutakti ng mga basher ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.

Ito ay kaugnay ng pag-amin nito na wala siyang karelasyon sa kasalukuyan. Sinagot niya kasi ang isang detractor na binatikos ang kanyang diumano’y hindi magandang pag-uugali.

Nangyari ito nang mag-tweet ang isang netizen kamakailan at sinabihan ang aktres na umano’y tigilan na ang paghahabol sa mga lalaki.

Kinuwestiyon din nito ang hilig nitong magpahaging sa kanyang mga post kung saan parang sinasabi nitong hindi kawalan ang mga lalaking aayaw sa kanya.

Pinahupa niya ang basher at sumagot pa niya itong “You also need to chill. I’m not in a relationship. I’m just joking around and try na make people laugh with my ‘jokes’.”

Dahil dito, naungkat tuloy ang away-bati nilang relasyon ni JM kung saan sinabi ng ilang kibitzers na pinasakay lang nito na merong ‘something’ sa kanila ng actor pero wala naman pala.

May mga nainis pa at pinaratangan siyang diumano’y manggagamit to the max. ­