Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie imbyerna sa nude photo

0 365

NI Vinia Vivar
Si Barbie Imperial naman ngayon ang latest victim ng fake nude photo after Sue Ramirez and Maris Racal.

Ipinost ni Barbie kahapon ang dalawang larawan niya na ang isa ay edited at inalisan siya ng saplot (tinakpan niya ng pentel pen mark ang kanyang private parts) at ang isa naman ay ang original photo kung saan ay makikitang naka-two piece bikini siya.

Sa caption ay kitang-kita ang galit ng aktres sa ginawang page-edit ng kanyang larawan at sa mga taong nagpakalat nito sa internet.

“Reposting this photo because people are messaging me about this photo (2nd photo). Grabe, sobrang stupid naman. You really think I’ll post a photo like this?

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Sa lahat ng nagshashare nito, ANG LALA NYO. And sa lahat ng nagbabash and madaming sinasabi sakin dahil sa picture na to, ANG TANGA LANG.

“Wala na ba kayong magawa kundi mag edit ng photos ng mga babae at gawing nude photo? Paisa lang po, dahil nakakagigil talaga yung gumawa nito. Ilang babae pa ang magiging biktima ng mga makikitid nyong utak?! Itigil nyo na, wala kayong ambag,” ang caption ni Barbie na halatang imbyernang imbyerna.

Sa comment section ay sinuportahan si Barbie ng kanyang mga kapwa-artista kabilang na ang nabiktima ring si Sue.

“Yakap, bie,” komento ni Sue with loudly crying face emojis.

Leave A Reply

Your email address will not be published.