Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie jackpot kay Diego

0 81

May “alin, alin ang naiba” moment na naman ang mga diwata at sirena sa social media. Ang may sala, sina Diego Loyzaga at Paul Salas.

May bibang maricon kasi na dapat mabuhukan at makurot ng pinong-pino, kasi nga pinagtabi niya ang mga larawan nina Loyzaga at Salas.

Hubad baro ang dalawang artistang lalaki at parehong naka-gym shorts.

Si Paul, na talaga namang best in kadila-dila na parang ice drop ang katawang pang-romansa, may headband May muntik pasilip sa mga buhok niya sa kili-kili at ang pabukol sa loob ng shorts, hindi maitago-tago. Paramdam kung paramdam.

Ang kay Diego, na lean, mean at binatang-binata na talaga ang katawan na tila inaaya ang lahat ng mga nabibighani na “oo, aanakan na kita!”. Ikaw na talaga ang maghuhubo sa kanyang draw string shorts para luhuran at sambihin ang lalaking tunay nga namang kaiibig-ibig.

Ang swerte naman ni Barbie Imperial kay Diego, huh! Literal na pangarap kong jackpot ang binatang oozing with manly hotness.

At kung sino man ang nagmamay-ari sa puso ni Salas, naku girl, wag ka na lang magpakilala at magmamaganda sa lahat. Tiyak, hindi lang gurlis ang aabutin mo sa mga may crush means paghanga at pagnanasa sa iyong Paul, sa true lang.

Ha!ha!ha!

Derek umeksena ang makapal na buhok

Classy, sophisticated at yayamanin ang photo shoot nina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Siyempre mas takaw pansin ang dedikasyon ng aktres para sa mga ito na “My forever D” na may kasamang sangrekwang heart emoticons.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa photos naman sa IG ni Ramsay na nakakapanibago na may buhok na itong makapal sa kanyang ulo.Meron din siyang mga hubad baro shots.Hindi pa rin puwedeng i-ekis ang katotohanan na matikas at makisig talaga ito.

Ang payanig naman ni Ramsay ay “Can’t wait love” na siyempre may not once, but twice na papuso.

Best photo para sa diva that you love ‘yung in black and white, Kitang-kita ang look of love in their eyes lalo na nga’t their lips are about to touch at yung standing sila na ang backdrop ay talahiban. Pang fashion editorial, huh!

McCoy todo paramdam ang sakit

Ngayong bubuksan na muli ang mga sinehan, malalaman natin sa takdang panahon kung kailan nga ba maipapalabas ang “Yorme The Movie” ni direk Joven Tan na mula sa Saranggola Media Productions.

Ang impresyon ko sa pelikula, inspiring ito. Naipakita ang mga hirap na pinagdaanan ni Yorme at kung paano niya nakamit ang kanyang tagumpay sa mga larangang pinasok. Ang mga kantang maririnig, may haplos sa puso. May kawawaan, katuturan at talagang nagpapasulong sa kuwentong ibinabahagi sa pelikula.

Performance wise, emotionally committed at honest ang portrayals nina Raikko Mateo, McCoy de Leon at Xian Lim. Alam mong invested sila na maging makatotohanan ang kanilang pagganap.

Sa true lang, bigla akong naging fan ni McCoy kasi mararamdaman mo talaga yung sakit at hirap na pinagdaanan niya bilang Yorme bago maging artista.

At walang “poltical agenda” na itinutulak ang pelikula, iyan ay sa ganang akin. Talagang tungkol lang ito sa isang lalaking may mga pangarap at kung paano niya ito naabot.

Leave A Reply

Your email address will not be published.