Abante Tonite Interactive

Barbie-Jak nag-giyera sa motor

0 385

Ni-reveal ni Barbie Forteza na ang isa sa madalas nilang pag-awayan ng boyfriend na si Jak Roberto ay ang pagmo-motor nito. Pero dumating daw sa point na napagod na rin daw siya sa kakabawal.

“So, hinayaan ko na lang. Sabi naman niya, safe naman siyang mag-motor, so, okay, i-let go ko na,” sey ni Barbie sa kanyang vlog.

Nagpa-Q&A (Question & Answer) kasi si Barbie sa kanyang mga fans na sinagot niya sa kanyang vlog sa YouTube at isa nga sa naitanong ay kung nag-aaway ba sila ni Jak.

Aniya ay boring naman daw ang isang relasyon kung walang away na nagaganap. Normal naman daw talaga sa magkarelasyon ang nagkakaroon ng misunderstanding.

“Pag siya ‘yung mainit ang ulo, ako ‘yung quiet. Pag ako ‘yung stressed, ako ‘yung medyo yamot, siya naman ‘yung behaved lang. Tingin ko, malaking factor sa amin ‘yung hindi nagka-clash ‘yung galit naming dalawa. Kung baga, parang may isa sa amin (na) laging nagbabalanse, may isang nagtitimpla.

“Mga normal na away, I wouldn’t consider it as away, though. Parang mga ‘onting misunderstanding lang.

“Sobrang organized ko kasi pagdating sa oras, pagdating sa schedule, ganyan. So, pag may schedule na hindi naman inaasahan, pero kailangan, minsan, trabaho kasi. ‘Yun lang. ‘Yun, mga ganu’n, mga ganu’ng bagay,” ani Barbie.

Isa rin daw sa pinag-aawayan nila ay ang pagba-blog. Pareho kasi silang may You Tube vlog ni Jak at masipag din mag-vlog ang aktor na madalas ay kasama rin si Barbie sa kanyang video syempre bilang GF siya nito.

Eh sey ni Barbie, madalas daw ay wala rin siya sa mood mag-vlog. Mga ganu’n lang naman daw ang kanilang pinag-aawayan.

Last month ay ipinagdiwang nina Jak and Barbie ang kanilang 2nd anniversary and so far ay maayos naman ang takbo ng kanilang relasyon base sa nakikita namin sa kanilang vlog. (VINIA VIVAR)