Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie, Jak nagpakaligaya sa beach

0 79

NI: VINIA VIVAR

Punong-puno ng tamis ang Instagram posts ng magdyowang sina Jak Roberto at Barbie Forteza na kasalukuyang nasa Bohol ngayon para mag-celebrate ng kanilang 5th anniversary.

Pero hindi naman silang dalawa lang ang lumipad at kasama nila ang ilang mga kaibigan base na rin sa kanilang post.
May beach pictorial ang magdyowa na parehong sizzling with hotness sa kanilang swim wear outfit. Naka-two piece bikini si Barbie habang topless naman si Jak na litaw na litaw ang mga abs. Umuusok din sa sweetness ang dalawa sa kanilang mga pose.

“Sobrang thankful ako sayo Madam! Sa effort na ginawa mo para matuloy tong trip na to, all credits to you mahal ko. Salamat, kaylangan talaga natin to after ng trabaho, sobrang saya ko na finally may nakasama din akong “The One” sa beach at isa na naman sa pangarap ko ang natupad! Advance happy 5th Anniversary Madam! Mahal na mahal po kita!” ang caption ni Jak sa kanyang post.

Sagot naman ni Barbie, “Aww mahal ko 🥺♥️ deserve natin tong trip na to! Lalo na ikaw! I love you! ❤️❤️❤️ Advance Happy Anniversary.”

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa post naman ni Barbie, aniya ay napaaga raw ang kanilang celebration this year. May 19 pa kasi ang kanilang anniversary talaga.

Ipinost din ng showbiz couple ang mga kaganapan sa Bohol sa kani-kanilang Instagram Story at makikita namang talagang nage-enjoy sila. May video pa na sinasayawan ni Barbie ang boyfriend at ginagaya ang sayaw ni Marian Rivera sa “Marimar.” Tawa naman nang tawa ang aktor.

May video rin na nagkakantahan at nagkakape sila sa isang balsa kasama ang mga kaibigan.

“Sa wakas nakapag-coffee din tayo together @barbaraforteza,” caption ni Jak.

Last year ay hindi magkasama sina Jak and Barbie sa kanilang anniversary because of the pandemic though nagpadalahan naman sila ng kani-kanilang regalo. Kaya marahil bumawi sila nang bonggang bongga this year.

Leave A Reply

Your email address will not be published.