Abante Tonite Interactive

Barbie, Jak nganga sa 3rd anniversary

0 553

NI: VINIA VIVAR

Sa kabila nang umiiral na enhanced community quarantine sa Metro Manila, hindi naman nakalimutan ng Kapuso couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto na batiin ang isa’t isa sa kanilang third anniversary nitong May 19.

Sa Instagram ni Barbie, ibinahagi nito ang kanilang sweet na larawan ni Jak sa Mt. Moiwa Bell of Happiness noong nag-travel ang dalawa sa Sapporo, Japan.

“Being with you has been one of the best things that have ever happened to me. You boost me up when I feel insecure. You put my feet back on the ground when I fly too high. You support me in everything that I do. You don’t judge, you accept. You love, and you love, and when it all feels overwhelming… you love more. Happy 3rd Anniversary, @jakroberto. I love you,” ani Barbie sa kanyang caption.

Samantalang nakakatuwang video naman ang ipinost ni Jak nang minsang sorpresahin nito si Barbie sa make-up room ng GMA Network.

“Happy 3 years Madam! Dati crush lang kita, akalain mo ‘yun 3 years na! Sayang ‘di tayo makapagcelebrate, alam mo na. So, paano, sa May 19, 2021 na lang? Stay at home muna tayo! I love you so much. P.S. eto yata ang pinaka-sweet na kuha natin sa isa’t isa,” pagbati ni Jak..

Bumuhos naman ang congratulatory messages para sa dalawa mula sa netizens at kapwa celebrities.

Tonite – Wendys Inhouse Ad