Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie, JM malabo ang balikan

0 349

NI: ROLDAN CASTRO

Positibo ang mundo ngayon ni Barbie Imperial dahil bati na sila ng kanyang ex na sina Paul Salas at JM de Guzman.

Ayaw na niyang mag-react sa sinabi ni Paul sa isang panayam na pinatawad na niya si Barbie sa mga nagawa nito.

Sey na lang ni Barbie sa isang malapit sa kanya, magkaibigan na raw sila ni Paul pero hanggang doon na lang daw. Wala nang balikan na mangyayari dahil friends na lang sila.

Kamakailan ay nagkabati rin sila ni JM de Guzman nang magkita sa isang burol.Kahit sinasabi ni Barbie na never naging magdyowa sila matunog ang tsismis na nagkaroon sila ng relasyon.

Ito rin ‘yung time na nagka-partner sila sa “Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi.”

Nag-sorry raw ang dalawa sa isa’t isa. Kaya na raw niyang sabihin ngayon na kaibigan niya si JM.

“Masasabi ko na friends kami, pero ‘di naman kami ‘yung friends na nag-uusap,” pahayag pa niya sa isang panayam.

Natuwa naman ang mga fan ng JuanBie sa pagbabati ng dalawa.

Pero, sa ngayon mukhang malabo rin na makipagbalikan siya kay JM.

Leave A Reply

Your email address will not be published.