Abante Tonite Interactive

Barbie, JM nagparinigan

581

Para kay Barbie Imperial nga kaya ang post ni JM de Guzman kahapon sa kanyang Instagram account? Ang ibang mga netizen ay ganito ang palagay kaya naman ang payo nila ay ayusin na lang daw ng dalawa ang hindi pagkakaintindihan.

Nag-post si JM ng ilang excerpt ng lyrics ng kantang “Shadow Days” ni John Mayer na tila tumutugma nga sa sitwasyon nila ngayon ng dating leading lady sa “Araw Gabi.”

“I ain’t no troublemaker and I never meant her harm. But it doesnt mean I didn’t make it hard to carry on,” ang post ni JM.

Sa comments section, komento ng isang netizen, “Luhhhh! Vise Versa na parinigan! Bakit di nalang ayusin? Pride is bad you know? You too deserve to be happy! #JuanBie was a great LT!”

Reaksyon naman ng isa, “bukas naman pintuan ng Bahay nila puntahan mo na hindi yon nakasara bukas na bukas yon para syo…wait na syo si @msbarbieimperial charrrrrrot.love you forever JUANBIE nothing change ..dugong JUANBIE pa rin.love ,love ,love spread the love para lahat masaya.”

Matatandaang may hindi pagkakaintindihan ngayon sina JM at Barbie dahil sa naging panayam ng aktor sa “Tonight With Boy Abunda” kung saan ay sinabi nito na less than one month sila nag-date ng dating leading lady.

Na-hurt si Barbie sa pagsisinunga-ling ni JM at nag-tweet ng “once a liar always a liar.” Inamin din niya nang siya naman ang mag-guest sa TWBA na na-hurt siya at ang aktor nga ang tinutukoy niyang liar. Para sa young actress, more than one month naman daw silang nag-date or nag-try sa kanilang relasyon although pareho nilang nilinaw na hindi naging sila.

Sa nakaraang interview namin kay Barbie sa presscon ng mediacon, sinabi ni Barbie na sana raw ay hindi na lang nagsalita si JM sa TWBA at sana rin daw ay hindi ito nagsinungaling.
***

Sanya willing
mag-audition
sa Darna

Nag-react na si Sanya Lopez tungkol sa consistent na pagkaka-include ng name niya sa choices ng netizens to be the next Darna kahit pa nga ba nasa kabilang network siya since as we all know ay produced ng Star Cinema ang nasabing pelikula.

Ayon sa aktres nang makausap ng press sa mediacon ng bagong serye niya sa GMA-7 na “Dahil sa Pag-ibig,” of course ay thankful siya sa mga taong naniniwala sa kanya na bagay siya for the iconic role.

“Very happy, siyempre. Hello, si Darna po ‘yan! Empowered woman, sobrang strong ng personality, and iconic,” sey ni Sanya.

Willing ba siyang mag-audition if ever?

“Ang masasabi ko lang, kung magi-invite sila, kung may invitation or audition sa GMA mismo, sila na po ang bahala. Kapag pumayag, why not? Hindi naman ako nagko-close ng door,” pahayag ng aktres.

Pero ikino-consider niya?

“Basta kung may invitation po. Why not? Darna is Darna. Pero kailangan mong paghandaan ‘yun, eh. It’s not just a role. Kung baga, it’s an icon na kailangan nating alagaan. Kung sino ang mapipili du’n, kailangan niyang gampanan nang maganda.”

Sa “Dahil sa Pag-ibig” ay ginagampanan ni Sanya ang role ni Mariel na asawa ng karakter ni Benjamin Alves. Sa trailer pa lang ay napakabigat ng mga eksena niyang ipinakita at aniya, talagang halos lahat yata ng scenes niya ay sobrang intense.

“Nakakakaba and maganda sa amin, sobrang magkakaibigan na kaming lahat, so parang wala nang masyadong ilangan,” aniya.
Magsisimula na ngayong Lunes, May 20, ang “Dahil sa Pag-ibig.”