Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie ‘kasabwat’ ng magnanakaw

0 501

NI: ROLDAN CASTRO

Bongga ang feedback sa ikatlong offering ng GMA drama series na ‘I Can See You: The Lookout’ na nagsimula nu’ng Lunes .

Tampok sa crime-thriller episode sina Barbie Forteza, Paul Salas, at Christopher de Leon.

Umikot ang kuwento kay Emma (Barbie), isang raketera girl na mapipilitang maging lookout para sa kanyang pinsan na may planong pagnakawan ang isang bahay sa village. Sa hindi inaasahang pangyayari, malalagay sila sa panganib nang madatnan nila ang wala nang buhay na kasambahay.

Bilib si Barbie sa kanyang role, “I love how strong and unapologetic Emma is. She does not bow to anyone. She will do everything for her younger sister. She lives in the reality of life and so she learned to play along and learn along the way.”

Mapapanood ang ‘I Can See You: The Lookout’ sa GMA Telebabad.

Leave A Reply

Your email address will not be published.