Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie kinarir ang 3 katauhan

0 151

NI: ROLDAN CASTRO

Sina Kapuso actress Barbie Forteza, Kim Domingo, Max Collins, at Jean Garcia ang bibida sa Pamaskong line-up ng Wish Ko Lang na “Pasko ng Pag-asa: The Wish Ko Lang Christmas Specials.”

Tuwing Sabado nga, handog ng award-winning GMA Public Affairs show ang fresh episodes na nagbibigay pag-asa at inspirasyon sa viewers. Kamakailan lang ay ginawaran ang programa bilang “Best Public Service Program” sa 2021 Platinum Stallion Media Awards habang kinilala ang host nito na si Vicky Morales bilang “Best Public Service Show Host.”

Ngayong Sabado (December 4), pangungunahan ni Barbie ang episode na “Tatlong Katauhan ni Sunshine” .Gaganap siya bilang isang babaeng may Dissociative Identity Disorder (DID). Mapapanood din sa episode sina Thea Tolentino, Arvic Tan, Regine Angeles, Carlos Agassi, at Chanel Latorre.

Ayon kay Barbie, talagang pinaghandaan at pinag-aralan niyang mabuti ang karakter ni Sunshine.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Thankfully, we had a chance to meet virtually with a psychiatrist, so we were able to discuss the proper execution of the characters [personalities] and the case of Sunshine,” paglalahad niya.

Dagdag pa ng 36th Fantasporto International Film Festival Best Actress: “In terms of characterization, I went straight to YouTube for research. I watched real people with DID. How they transition to another persona and their behavior. I also turned to some of my favorite powerful movie characters as pegs.”

Masaya rin daw si Barbie na naging bahagi siya ng Christmas line up ng Wish Ko Lang.

“This is my first Wish Ko Lang guesting so that alone is pretty special for me. Opening the December Specials of Wish Ko Lang really brings me joy and I just can’t wait for everyone to watch all the episodes,” pagtatapos nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.