Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie lunod sa kaligayahan

0 621

NI: VINIA VIVAR

Happy and so in-love ang status ni Barbie Imperial simula nang maging boyfriend niya si Diego Loyzaga. Kitang-kita naman ito sa kanyang mga posts sa social media at sa mga interview niya rin.

Para kay Barbie, iba rin talaga ang relationship kapag matibay ang foundation at ito nga ay ang pagiging magkaibigan. Nagsimula raw kasi sila sa pagiging friends ng aktor. Taong 2018 pa lang ay magkaibigan na sila ang even those times na nawala ito sa showbiz dahil sa mabigat na pinagdaanan ay hindi nawala ang friendship nila.

SM food to go Banner Ad

Kwento ni Barbie sa interview niya kay Toni, nagsimula lang daw manligaw si Diego sa kanya nang bumalik na ito sa showbiz. “I’m very grateful for God’s timing,” she said.

Matatandaang umamin si Diego na sila na ni Barbie nitong Enero, 2021 and since then ay nakikita sa kani-kanilang Instagram page ang kanilang masayang relasyon. Kamakailan ay nagdaos ng kaarawan si Diego at napakatamis ng birthday message sa kanya ni Barbie. “To my best friend, my happiness, my love & my everything, happy happy birthday. I am so thankful for you, everything you do to make me happy. ☁️I love you so much,” ang mensahe ni Barbie sa boyfriend.

Leave A Reply

Your email address will not be published.