Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie mabubunyag na ang sikreto

0 55

Puno ng rebelasyon na pagtatapos ng ‘Daig Kayo Ng Lola Ko’ presents ‘Captain Barbie’ ngayong Linggo, September 5.

Hindi nagustuhan ni Goldino (Thou Reyes) ang pakikipagtulungan ni Captain Barbie (Barbie Forteza) sa mga pulis kung kaya dinakip nito sina Andrew (Anjo Damiles), Ysabel (Lianne Valentin), at Dave (Kimson Tan).

Habang nasa katauhan ni Captain Barbie, pinuntahan ni Bruce (Jeric Gonzales) ang hideout ng gold-loving villain na si Goldino upang iligtas ang kanyang mga kaibigang pulis.

Dito na nga ba matutuklasan ni Andrew na ang kanyang hinahangaang Captain Barbie ay ang kaibigan niyang si Bruce? Mailigtas pa kaya ni Bruce ang kanyang mahal na si Ysabel?

Tutukan ang exciting na pagtatapos ng ‘Captain Barbie’ sa Daig Kayo Ng Lola Ko ngayong Linggo, 7PM, sa GMA-7.

@@@

Keber sa katapat: Alice natuwa sa maagang oras

Related Posts
SM food to go Banner Ad

Masaya ang Kapuso actress na si Alice Dixson sa mas pinaagang timeslot ng hit family drama series na ‘Legal Wives.’ Keber niya sa katapat na serye.

Marami ang natuwa na napapanood na ang Legal Wives pagkatapos ng 24 Oras .

Ani ni Alice, “Natutuwa kaming lahat because an earlier timeslot also means more viewership. Nagpapasalamat kami sa mga nanonood ngayon at sa mga sumusubaybay. Napaka ganda ng reactions and comments.”

Pahayag pa ng aktres, mas kapana-panabik ang mga eksenang dapat abangan sa serye kung kaya’t dapat na tumutok ang mga manonood.

“Ismael is now trying to balance. Nagbabalanse siya kung paano makisama sa dalawang asawa, paano mamuhay nang tahimik or at this point, hindi matahimik with two wives,” paliwanag ni Alice.

Tuluyan na nga bang mahuhulog ang loob ni Amirah (Alice) kay Ismael (Dennis Trillo)?

Leave A Reply

Your email address will not be published.