Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie nag-unfollow kay AJ sa IG

0 1,141

ROLDAN CASTRO: True ba ang chism na ang dyowa ni AJ Raval ay isang aktor na produkto ng PBB? Siya raw ay hawig kay Eric Quizon.Ang lalaking tinutukoy natin ay nagbida sa isang BL serye.

Ayon sa source,kaibigan daw ito ni Barbie Imperial. Posibleng ka-batch din niya sa Pinoy Big Brother house.

Nang matsismis na naging malapit umano sina AJ at Diego Loyzaga sa shooting ng “Death of A Girlfriend,’ nagalit si Barbie. In-unfollow niya si AJ sa Instagram.

Ang rason umano niya ay kaibigan niya ang nali-link kay AJ.

Pero mabilis ang pacing dahil biglang umamin din sina Barbie at Diego na mag-dyowa.

Hindi kaya ang dahilan talaga ni Barbie kaya nagalit siya kay AJ dahil nagselos siya na close ito kay Diego?

Anyway mga Ka-Cuatros sino pa ang mga bagong mag-dyowa ngayon sa showbiz?

MILDRED A. BACUD: Kumpirmasyon na nga ba ang post ni Jane Oineza sa kanyang Instagram account na sila na ni RK Bagatsing? Caption niya, “To this amazing person, my source of happiness… Happy birthday,” na may emoji kiss.

Sinagot naman ng aktor ang post na ito at sinabing kinilig naman daw siya. Marami naman sa mga kaibigan nila sa showbiz ang natuwa at masaya for them .

Actually, last February pa kumalat ang balitang silang dalawa na. Spotted pa nga sila sa isang resort sa Laguna. Wala namang masama dahil pareho silang single at medyo matagal na rin silang nagkatrabaho. Una silang nagsama sa seryeng Araw Gabi no’ng 2018. Tapos ay nagkaroon ng teleserye nito lamang taon na ito, ang I Got You na napanood sa TV 5

RODEL FERNANDO: Masaya talaga ang mga balita sa lovelife ng mga artista. Gaya na lang ni Gladys Guevarra na engaged sa nagngangalang Mike Navarrete . Nakilala niya ito sa kanyang pagbabakasyon sa US of A.

At bongga ang engagement dahil sa gitna ng dagat ito nangyari habang sakay sila ng yate. Pagkatapos nga ng masalimuot niyang buhay pag-ibig ay mukhang magkakaroon na kapayapaan ang puso ni Gladys. Na sabi-sabi’y niloko umano siya ng dati niyang boyfriend sa pera.

Anyway, masyado raw mabilis ang pangyayari dahil halos anim na buwan palang ang nakakaraan ay engaged na siya. Marahil minamadali nila na maikasal sila agad. Siguradong mahal na mahal nila ang isa’t-isa at gusto na agad bumuo ng pamilya. Well, hangad namin ang kaligayahan nila at sana nga ay panghabambuhay na ang pagsasama nila.

SACHZNA HIWALAY NA SA PARTNER

ROMMEL PLACENTE: Kung may bagong nagmamahalan mga ka-Cuatros na tulad nga nina Jane at RK at Gladys at Mike, meron din namang hiwalayan na naganap.Pero hindi bilang magkarelasyon kundi bilang magka-collab sa vlog. At ito’y sina Sachzna Laparan at Jomar Lovena,na parehong sikat na vlogger. Nag-post kasi si Sachza ng open letter sa kanyang FB account para sa mga fan/supporter nila na Team JoSa. Ipinaliwanag niya ang dahilan kung bakit hindi na sila nagba-vlog.

Nagdesisyon din sila ni Jomar na maging magkaibigan na lang. Na kung iisipin natin ay parang mag-jowa sila di ba? Pero ang ibig sabihin ni Sachzna ay manatili silang magkaibigan ni Jomar kahit hindi na magsasama together sa iisang vlog. Nagbigay din ng mensahe si Sachzna para kay Jomar. Narito ang ilang bahagi ng open letter ni Sachzna para sa Team JoSa.

” Napag-usapan namin ni Jomar for the last time ihinto na ang pag vavlog at mag focus na lang sa kanya kanyang path na pinili namin.. siguro napressure kami parehas sa mga nangyayari samin.. napagdesisyunan namin na maging magkaibigan na lang.. I’m sorry kasi this time, gusto muna namin piliin yung sariling happiness namin.. sana maging malinaw na po lahat at wag ng mag away away or malabuan sa mga bagay bagay.. sobrang saya ng isang taon na nakasama namin kayo. Di ibig sabihin na wala na ang Team Josa.. wala na rin si Jomar at Sachzna.. sana suportahan nyo pa rin ang bawat isa. As Jomar.. as Sachzna.

“To Jomar; dadey.. sexy love, bosskilah & kenjie.. maraming salamat.. hanggang dito na muna.. pero lagi mo tandaan na nandito lang ako for you. Alam mo naman yun. I’m forever grateful na nakilala kita. No regrets.

Hanggang dito na muna team Josa! Always choose be happy.. goodvibes lang..”

Hay , nakaka-sad, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.