Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie nahirapan sa taping

0 92

NI: VINIA VIVAR
Inamin ni Barbie Imperial na medyo naging mahirap din sa kanya ang adjusments sa lock-in taping nila sa Bagong Umaga na talagang walang uwian.

Aniya, dumating daw sa point na talagang nagbi-breakdown na siya dahil miss na miss na niyaang kanyang pamilya.

“Mahirap po talaga, sobrang hirap po. Lalo na po kapag sanay ka po na kasama po palagi ang pamilya mo. Ako po ru’n po ako inaatake. ‘Yung first week ko po dito na hindi ko kasama ang kuya ko. Pero ‘yung Mama ko po, kasama ko rito,” kuwento ni Barbie.

“Pero ‘yung maganda naman po rito sa amin sa Bagong Umaga, kapag may gusto ka pong makausap, like ako po, sobrang nagbi-breakdown na po ako dahil miss na miss ko na si kuya, miss na miss ko na ‘yung bahay namin, at napapagod din po ako. Pero rito po kasi, para kaming pamilya talaga,” dagdag niya.

Kapag hindi na raw niya kaya ay lumalapit siya sa production team at sinasabi niya ang kanyang nararamdaman.

“Importante po nalalabas mo kung ano ‘yung nararamdaman mo para hindi naiipon. Kasi imagine po, every day, gigising kami na sa hotel room po kami, nakatingin lang po kami sa labas ng bintana kung may ibang taong nasa labas. And kami, nandito po kami sa loob,” she said.

Pero sa kabila nito, napakuswerte pa rin daw nila dahil nga may trabaho pa rin sila during this time of pandemic.

“Sobrang thankful and grateful po kami kasi siyempre, hindi naman po lahat ng artista ngayon, may trabaho. And ‘yun po ‘yung pinaka-importante, magkaroon ako ng trabaho.

“Katulad ko po, breadwinner po ako, so game lang po nang game. Konting tiis lang talaga,” sey ni Barbie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.