Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie pak sa paseksi

0 77

NI: VINIA VIVAR

Katakot-takot na papuri ang natanggap ni Barbie Forteza mula sa mga kaibigan and Instagram followers sa kanyang mga ipinost na sexy beach photo.

Lumipad ng Bohol si Barbie kasama ang boyfriend na si Jak Roberto para sa early celebration ng kanilang 5th anniversary. Naka-stay sila sa isang resort at ipino-post naman nila ang mga kaganapan sa kanilang bakasyon.

Winner ang mga hot photo ni Barbie na naka-swimsuit siya dahil bagay na bagay naman talaga sa kanya lalo pa nga’t super-flawless ang aktres.

“I finally have pinterest worthy beach photos all thanks to you, Mahal @jakroberto 📷😍 I love you,” caption ni Barbie.

Sa comment section ay kanya-kanyang reaksyon ang mga kapwa-celebrities ni Barbie.

“Pak!” ang komento ni Mark Bautista.

“Hotness,” reaksyon naman ni Camille Prats.

Natawa naman kami sa comment ng character actor na si Neil Sese na “aba! Sexy star na ang batang ito.”

Sabi naman ni Ryan Eigenmann, “ano nakain mo nak?”

Sey naman ng direktor na si Easy Ferrer, “nagbabaga siya oh.”

Ang isa naman ay biniro si Barbie na dalaga na raw ito.

“Grabeeeee sa Ganda kinisssss,” papuri naman ng isa niyang follower.

“Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat,” sey naman ng isa pa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.