Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie pasabog ang romansa kay Diego

0 396

NI: ALWIN IGNACIO

Nag-uumpisa pa lang ang 2021 pero humahataw ang lovelife ng ibang artista.

Papatulan pa ba natin ang balitang reunited and it feels so good na muli sina Nadine Lustre at James Reid? Juice colored! Nagkahiwalay ba sila to begin with eh sila nga ang poster boy and girl ng matandang kasabihan na misery loves company.

Hayaan na natin sila kung sila ay co-habiting again. Bulbilin na sila at may sarili naman silang mundo at kamunduhan. Yung totoo, mas relevant nga silang dalawa pag twosome coosome sila. At mas bobongga ang kanilang relevance kung they will go forth and multiply na noh!

Not unless of course sa contract ni La Ingrata eh may clause na di pa siya pwedeng buntisin ni Reid. .”

Sa nangyaring balikan, naway for keeps na talaga at naway maging theme song nila ang “You And Me Against The World” na siempre pa sarcastically dedicated sa dating pamunuan ni Nadine.

Dapat pa ba tanungin ni Lustre kung ano ang ginawa ni James kung bakit siya pinayagang kumawala sa kontrata na wala man lang kaguluhan? Hindi na. Alam na natin ang sagot kung bakit dropped like a hot potato si Reid. Laos na ito. That’s all.

Kaya nga pat imaging ambassador para sa mga gulay pinatulan na nito.

Ang biglang pagbuluga ni Meryl Soriano na may sanggol na pala sila ni Joem Bascon, interesado ba tayo? Juice colored again!

Matatanda na silang dalawa. Wala namang nanalig noon sa pangmalakasan nilang pagtanggi tungkol sa kanilang pagbabalikan.

Eh ang pagiging mag-jowa nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga? Very, very slight na nakakalugod na romansahan.
Young love, sweet love, panalo naman paligi ang mga pagmamahalan na parang nasa honeymoon stage pa lamang, right? Support!

May pakialaman ba naman tayo kung delayed ang kasal ni Kris Bernal sa fiancé niyang non-showbiz person? Hay, naku! Kahit ma delay pa siya forever, push na push. Alam naman nating lahat na member na si Bernal ng League of Extra Ordinary Has Beens. The world continues to revolve in its orbit, ikasal man siya o hindi.

Kung ang paglipat niya nga sa TV 5 hindi naman naging national issue sa dati niyang network, ito pa bang kasalan niya? Yun lang.

Leave A Reply

Your email address will not be published.