Abante Tonite Interactive

Barbie, Paul nagtagpo sa party

587

Kinumpirma ni Paul Salas ‘yung tsinika sa amin ng ex-girlfriend niyang si Barbie Imperial na nagkita sila sa isang party at nagkausap sila roon, so okey na silang dalawa.

Nabanggit din namin kay Paul na nasabi sa amin ni Barbie na mabait siyang boyfriend at matino siyang karelasyon. In short ay very positive ang mga komento nito at malayo du’n sa mga naging isyu nila before.

“Totoo po ‘yung sinabi niya. Okey naman kami. Kumbaga, past is past, move on na rin kaming lahat, so okey naman po,” pakli ni Paul nang makausap namin ito sa pa-birthday dinner ng aming TONITE entertainment editor na si Tito Roldan Castro.

Kuwento pa ng young Kapuso hunk, sabay raw nilang in-approach ni Barbie ang isa’t isa para mag-hi, tapos ay nagkausap sila na kalimutan na kung anuman ‘yung mga nangyari in the past.

Agree si Paul na mas magaan ang buhay na panay positive lang at walang mga nega.

Ang sabi ni Barbie ay willing siyang makatrabaho nito kung magkakaroon sila ng chance. Siya ba ay okey rin sa idea na ‘yon?

“Talaga? Kung magkakaroon ng chance, ‘di ba? Ako, work is work naman para sa akin. Malay natin, ‘di ba? Ha! Ha!”

Pero may tuldok na para sa kanya ‘yung episode nila na ‘yon ni Barbie, ganern?

“Oo. Lahat naman na kami naka-move on na. For sure siya, okey naman na siya. And happy rin ako sa mga nangyayari sa kanya,” sey ng hunkylicious Kapuso actor.

Samantala, inamin sa amin ni Paul na very close sila ni Taki na nasa Japan ngayon, so tipong LDR ang drama nila.

Aminado siyang gusto niya si Taki, pero focused daw muna sila sa work at proud siya rito na may career ito sa Japan as a singer-dancer sa isang girl group.

Best of friends daw sila ngayon at hindi nila nira-rush ang mga bagay. Kung sila raw talaga ni Taki ay sila.

Mapapanood si Paul bilang si Marty Talledo sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama na “Descendants of the Sun” kung saan first time niyang makakatrabaho ang kanyang Tito Dingdong Dantes.

Jillian crush sina Alden , Coco

Kaedad lang ni Jillian Ward si Ryzza Mae Dizon pero mukhang dalaga na ang 14-anyos na bida ng bagong Kapuso soap na “Prima Donnas”.

Excited si Jillian sa bagong journey niya na ito na pa-mature na raw siya at hindi na ‘yung dati na batang cute-cute lang.

Marami palang gustong manligaw sa kanya pero bawal pa raw at ayaw pa rin niya. Focus daw muna siya sa career niya at sa pag-aaral niya.

Crush ni Jillian sina Alden Richards at Coco Martin dahil naguguwapuhan daw siya sa mga ito at pareho raw nag-aaksyon ang da-lawa.

Happy si Jillian na sinasabing siya ang next in line kina Barbie Forteza at Bianca Umali sa mga prinsesa ng GMA.