Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie pinadapa ni Rolly

0 150

NI: VINIA VIVAR

Nag-alala si Barbie Imperial sa kanyang pamilya na naiwan sa Albay at Catanduanes na biktima ng bagyong si Rolly.

Inamin niyang naapektuhan at pinadapa sila ng bagyo. Three days na raw na wala siyang balita sa mga ito.’Yun daw ang challenge sa kanya na malayo siya sa pamilya.

Samantala,umani na naman ng daan-daang libong puso (likes) ang bagong bikini photo na ipinost ni Barbie Imperial sa kanyang Instagram account.

Nag-upload si Barbie ng larawan niya kung saan ay makikitang nakasuot siya ng two-piece bikini at ang location na nakalagay ay Sirom Beach House sa Pangasinan.

Sa loob lang ng isang araw since its upload ay nasa 262,000 na ang likes ng larawan at talaga namang napa-wow ang mga netizen at kapwa celebrities.

Komento ni Alexa Ilacad, “Oh my goodness!!!!”

Tatlong puso naman ang reaksyon ni Loisa Andallo.

Katuwa naman ang komento ni Diego Loyzaga na “ketchup” meaning ketchup na lang ang kailangan.

Pero may mangilan-ngilan pa ring body shamer na pinuna ang mga stretch marks ng aktres. But knowing Barbie, dedma lang siya sa mga negatrons na ito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.