Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie pinaglaway sina Diego, Tony

0 289

Nagmistulang mga fan ni Barbie Imperial ang mga aktor na sina Tony Labrusca at Diego Loyzaga sa bagong super-sexy photo ng aktres sa Instagram.

Nag-post si Barbie ng kanyang bikini photo kung saan ay talaga namang mawiwindang ang kahit sinong lalaki sa kaseksihan.

Caption ng aktres, “but first, mirror selfie.”

Sa comment section ay napa-wow ang lahat ng netizens kabilang na ang mga kapwa-artista niya. At take note, nangunguna ang mga comment nina Tony at Diego.

“Grabe siya,” ang reaksyon ni Toni.
Komento naman ni Diego, “gaya gaya.”
Nakakatuwa ang mga comment ng netizens kina Diego and Tony dahil tila kanya-kanyang bet ang mga tao. May nagsasabing bagay sina Barbie at Tony at ang iba naman ay si Diego ang bet nila para sa aktres.
“Kakakilig kayo,” komento ng isang maka-Diego-Barbie.
“@diegoloyzaga I’m so happy na happy ka na ulit Diego ?❤️❤️❤️ Thanks Barbie for making him happy again.. and Diego, thanks for Barbie’s beautiful smile,” comment ng isa pa.
Pinuri naman ng maka-Barbie-Tony ang lakas ng chemistry ng dalawa na kasalukuyang magkasama ngayon sa ABS-CBN teleseryeng Bagong Umaga. (Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.