Abante Tonite Interactive

Barbie, pinakiusapan ang ina

127

NABUHAYAN ng loob ang VanBie fans ng loveteam nina Ivan Dorschner at Barbie Forteza.

May kumalat sa internet na magkakaroon ng book two ang kiligserye ng GMA 7 na Meant To Be.

Disappointed ang VanBie fans dahil si Yuan (Ken Chan) ang mahal ni Billie (Barbie Forteza).

Pero dahil sa tsikang may book two ang MTB, JOPIA sila na sa ending ay sina Ivan at Barbie o ang “Team Gatas” ang magkakatuluyan.

Sabi ng program manager ng MTB na si Ms. Hazel Abonita tungkol sa book two ng kiligserye, “We will announce once there is po. Thank you!”

Hmph! Malabo na may book 2 ang MTB!

Anyway, dahil naging kontrobersyal ang mga post sa kanyang social media ng nanay ni Barbie na si Mommy Amy, nag-decide siya na i-deactivate muna ang kanyang social media accounts katulad ng Instagram at Twitter.

Pinakiusapan ni Barbie ang ina na huwag nang masyadong magpaapekto sa ending ng MTB.

Sa huling pag-uusap namin ni Mommy Amy, sinabi niyang OK na siya at better na tahimik na lang siya.

***

Mabuti na lang at nakatanggap ng text message si Sarah Lahbati mula sa Philippine Airlines, or else, dusa na naman sana siya sa sobrang delay ng flight nila pa-Cebu kahapon para sa premiere night doon ng Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz.

Kuwento sa amin ni Sarah, 6:00 AM pa lang ay gising na siya at nang mabasa niya ang text message na delayed ang Cebu flight nila, hindi na siya makatulog pa.

“Saka si Tita (Annabelle Rama), 10:00AM pa lang, nag-aya nang umalis ng bahay, kaya nag-early lunch muna kami sa Marriott (Hotel) kasama si Zion.

“Yes, Kuya Jun, naghatid sa amin si Zion, kaya nakapag-bonding pa muna kami,” sey ni Sarah.

Sabi ni Bisaya, mabuti na lang at sabay sila ni Sarah ng flight pa-Cebu dahil wala siyang kaalam-alam sa delay na ‘yon.

“Si Sarah lang ang nakatanggap ng text message,” sey niya sa amin considering na Million Miler ang level niya sa Mabuhay Miles reward program ng nasabing airline company.

Anyway, enough of the delay sa PAL flight nila dahil sanay na ang mga tao sa ganoong sistema ng nasabing airline company, Sa tsika­han namin ni Sarah bago sila nakaalis pa-Cebu, sinabi niyang sobrang touched siya na sinamahan siya ng nanay ni Richard Gutierrez sa Cebu.

“Touched and exci­ted. Buong Rama clan daw kasi, manonood ng premiere night ng Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz. Saka siyempre, nag-effort si Tita na mag-Cebu pa para sa premiere night namin.

“Ganoon ang pa­milya ni Chard, sobrang pinapakita sa akin ‘yung support nila. Kapag may projects ako, nangunguna na sila sa pagpo-promote sa social media accounts nila, kaya ako rin naman, kapag may projects sila, full support din ako!” sabi pa ni Sarah.

Syanga pala, marami ang nag-iisip na si Sarah na ang gaganap na Va­lentina sa Darna movie ng Star Cinema.

May kuwento ang kaibigan naming si Niño Bautista, boss ng Cosmo Skin na ine-endorse ni Ruffa Gutierrez.

Nagkita sila sa event ng Mega magazine at nag-dialogue si Niño sa kanya ng, “Congratulations! Ikaw na pala ang gaganap na Valentina sa Darna!”

Nagulat si Sarah sa dialogue na ‘yon ni Niño at sinabing wala pa siyang alam tungkol doon.

“Kuya Jun, wala talaga akong alam. Wala namang sinasabi sa akin ang Viva (nagma-manage ng kanyang career).

“Clueless ako, but of course, gusto ko naman. Maganda ‘yung character ni Valentina. Nababasa ko nga, maraming nagsasabi na bagay sa akin.

“I think kaya ko naman ‘yon. Saka sa iba’t ibang Darna movies naman, napakarami na ring gumanap na Va­lentina at puro mahuhusay sila, kaya kung sakali, gusto ko rin.

“Pero ayoko rin namang masyadong umasa. Siguro bahala na ang Viva kung sakaling io-offer a akin ‘yon ng Star Cinema!” sey pa ni Sarah.