Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie sumawsaw sa baklang lasing

0 160

ROMMEL PLACENTE: Sa pagkamatay ng flight attendant na si Cristine Dacera, labing- isang bading ang ang umano’y suspek. Ito ay ang mga nakasama ng dalaga sa hotel na tinuluyan niya sa pagsalubong ng bagong taon.

Ang isa sa suspect ay si Gregorio de Guzman na anak ng singer na si Claire dela Fuente.Pero pagtatanggol niya sa sarili, nandun nga raw siya sa party, pero walang rape na nangyari.Bading daw kasi siya,hindi pa siya nakikipag- sex sa babae ever. At never daw siyang na-turn-on sa isang babae.

Pero ayon sa PNP (Philippine National Police),kahit bakla yan,kapag nakainom yan,nagiging lalaki yan.”Pinalagan naman ng ilang celebrities ang naging pahayag na ito ng PNP.

Sabi ni Barbie Imperial,”bakit yung mga kaibigan ko,nagiging sembomb girls? May kanya kanya pang sexbomb name?’

Reaksyon naman ni John Sweet Lapus,”Hindi nagiging lalaki ang mga bakla pag lasing.Nagigi (ng) kaming Dyosa kami.Yung iba,#Sexbomb.”

Si K Brosas naman ang sabi,”hoy ilang beses nako nalasing kasama mga beki,ilang beses na kaming nag spin the bottle,ayaw nila ako i kiss syutanginamez.”

Kayong mga ka-Cuatros,naniniwala ba kayo na ang bading kapag nalasing ay posible pumatol sa babae?

RODEL FERNANDO: Ipinagdidiinan nga ng anak ni Claire dela Fuente na si Gigo de Guzman na walang rape na nangyari sa namayapang si Christine Dacera. Kahit daw nalasing siya ay hindi niya kayang makipag-sex sa babae kahit sa ano pang paraan. Na puwede naman talagang paniwalaan dahil talaga namang ‘di masikmura ng mga gay na makipagtalik sa isang girlalu.

Habang umuusad ang mga araw ay wala pa ring malinaw na ebidensya sa kasong “rape with homicide” na isinampa ng ina ni Christine na si Sharon Decena .

Nakakaawa naman talaga ang sinapit ng anak niya. Pero paano kung ang mga inaakusahan ay wala namang mga kasalanan?. Hindi rin naman maganda ‘yun hindi ba? Sana ay matuldukan na ito at maiayos ang lahat para wala nang madamay na iba pa.

MILDRED BACUD: Nakakalungkot talaga ang sinapit ng flight attendant na si Christine Dacera .Masalimuot kaya hayaan na natin sa mga eksperto ang bagay na ito. Nagkaroon lang ng mixed emotions sa social media dahil nga ang mga suspect ay gays.May nga masasakit ng salita at nage-generalize na ang mga bakla na sinasabing kapag nakainom ay nagiging lalake. Parang hindi naman. Perfect example na halos isang taon din kaming nagsama sa iisang bahay ni ka-Cuatros Rommel nang ituloy namin ang inuupahang bahay ng yumaong Isabel Granada na at that time ay nagtanan. Madalas din mga bading ang kasama ko sa lakaran sa showbiz. Ibig kong ipakahulugan dito ay ang behavior nila na sa experience ko di kering manakit lalo’t kaibigan nila.

Sasabihin na naman iba -iba ang tao which is true din naman. Nadadrag rin ngayun ang pangalan ni Ogie Diaz na ginagawang halimbawa. Sey ni Ogie sa post niya, Bakit ako ang ginagawang sampol sa “Ang bakla, pag nakainom, nagiging lalake din”?

“Una, kahit itanong nyo sa misis ko, hindi ako umiinom ng nakalalasing na inumin. At ginawa namin ang aming limang anak nang hindi ako lasing.

Pero totoo sa akin yung when it comes to intimacy kineso eh para din akong straight barako. Pero after cumming to town, titikwas na naman ang mga daliri ko. ”

Pero ang ending ng komedyante ay panawagan din sa kapulisan ay husayan nila ang imbestigasyob para di naman maagrabyado ang parehong pamilya ng biktima at mga suspect.

ROLDAN CASTRO: Korek mga ka-Cuatros, maraming bading ang hindi masikmurang tikman ang babae kahit lasing na. Nasusuka sila. Bubuka raw ang lupa.Ha!ha!ha!

Kahit ang negosyante, vlogger at former Mr. Gay World na si Wilbert Tolentino ay may opinion tungkol dito.

“If the person is under the influence of liquors and drugs, hyper ka, eh, magagawa mo talaga ang hindi mo nagagawa sa normal gesture mo.Puwede naman kasi na walang nangyaring sex at ‘yung mga pasa ni Christine, e, dala lang ng amats. Hyper ‘yung tao kaya pagluhod niya, full energy talaga kaya baka nagkapasa siya.
“Isa pang anggulo lahat sila, e, ‘comatose’ sa amats but they think kaya ni Tin kaya hindi nila binasag ang amats niya para maka-rest.
“At this point, I am tuning in for updates because my fellow gay men are being accused.”
Talbog!

Leave A Reply

Your email address will not be published.