Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie tinangging split kay Jak

0 87

NI: ARCHIE LIAO

Viral ang naging reaksyon ng Kapuso actress na si Barbie Forteza sa fake news na umanoý hiwalay na sila ng boyfriend na si Jak Roberto.

Ipinost pa niya ang balita na galing sa isang spurious source na einquirur. net . Ang nakalagay ay : “Just in: Barbie Forteza and Jak Roberto announces breakup after four-year relationship. Forteza said that the reason of their breakup was because the actor forgot that it was actually their monthsary today.”

Ginawan pa siya ng ‘quote’ tungkol sa dahilan umano ng kanilang hiwalayan ng boyfie.

Nakakaloka at napakababaw naman ng itinuturong rason ng kanilang breakup.

“Monthsary po kasi namin. Napag-usapan po namin na hindi na po yearly kundi monthly dapat may exchange gift pero di nya po ako binati at nakalimutan niya. I know my worth and I had enough kaya po ako nakipag-break kesa naman po maging toxic, diba”? Sana po, masaya siya,” ayon sa quote.

Hindi naman malaman ni Barbie kung matutuwa o maiinis sa fake news na ipinakalat ng naturang purveyor ng kasinungalingan sa kanyang komento.

“125k Reactions, 25K Comments & 68K Shares and counting… To whoever made this, you’re welcome,” hirit ni Barbie.

As of this writing, wala pang kongkretong balak ang aktres sa nagpakalat ng fake news tungkol sa kanila ni Jak.

Leave A Reply

Your email address will not be published.