Abante Tonite Interactive

Barbie tinawag na maldita ng PA

0 1,232

Inireklamo kay Raffy Tulfo ang isang Star Magic young actress ng kanyang PA (personal assistant) dahil sa pang-aabuso umano nito at ng pamilya niya sa kanya. Noong una ay hindi binabanggit ang pangalan ng sikat na batang aktres dahil ayon kay Raffy, nakausap na raw niya ito at nakiusap na huwag nang banggitin ang pangalan niya.

Sa halip ay tinawag na lang nila na “manika” ang young actress dahil ito raw ang tawag ng PA sa kanya na Tagalog term daw ng pangalan nito.

Ayon sa kuwento ng PA, hindi lang daw trabaho ng personal assistant ang ginagawa niya kungdi parang kasambahay na raw na nililinis niya ang buong bahay, nagliligpit ng pinagkainan, naglalaba ng mga damit ng pamilya pati na raw malalaking kumot at bed sheet. At ito ay sa halagang P7,000 a month na suweldo kada buwan.

Ang usapan lang daw nila ng young actress nang pumasok siya rito ay kikilos-kilos siya sa bahay na ginagawa naman niya.

“Ang nangyari naman po kasi, habang tumatagal ‘yung panahon, palala nang palala kasi parang nararamdaman ko, ‘PA ba pinasok ko dito?’”

Kuwento pa ng PA, “kasi po kasama ko sa bahay nila ‘yung mama niya and then ‘yung kuya niya, and then, ‘yung kinakasama ng kuya niya.

“So, simula po nang dumating ako do’n, halos hindi na po sila kumikilos. So, parang ang dating, parang naging kasambahay nila ako to the point na halimbawa po, every morning, halos hindi pa ako nagkakape or what, naglilinis na ako ng mga dumi ng aso, dalawang aso. Tapos minsan, pinapaliguan pa sila.

“And then, magwawalis ka, maglalampaso, maghuhugas ng tambak na hugasin, maglilinis ng banyo.”

Matapang ding tinawag ng PA na “maldita” ang young actress habang ang kapatid na lalaki naman nito ay “batugan” daw.

Para maging fair at maayos ang problema ay tinawagan mismo ni Raffy ang young actress. Boses pa lang niya ay medyo makikilala mo na siya lalo pa nga’t clue na ‘yung “Manika” na tawag sa kanya.

Sa pag-uusap ng PA at ng young actress, pinanindigan ng una ang lahat ng kanyang sinabi. Harapan niyang sinabi kay Manika na maldita ito.

“Kung makapagsalita ka sa mga tauhan mo, actually, hindi lang nagsasalita ‘yung driver, eh. Kasi may pamilya ‘yung tao,” sey ng PA kay Manika.

Sagot naman ni Manika, “nangyari na lahat, naere na lahat, wala na ‘kong magagawa do’n.”

Sa akusasyon ng PA na pinagsilbihan niya ang buong pamilya nito gayung dapat ay ang young actress lang, ang sagot ni Manika kay Tulfo ay “hindi naman po, sir.”

Tinanong ni Tulfo kung bakit hindi kumikilos sa bahay ang kapatid niya, sagot ulit ni Manika, “sir, kumikilos naman po. Sir, laki po kami sa hirap, sir. Wala po kaming mga katulong, marunong po kami sa bahay lahat. Kahit ako, naglalaba rin ako minsan.”

Kinontra ito ng PA at aniya, “wow naman, Manika, alam mo ‘yan sa sarili mo. Kasi alam kong ipagtatanggol mo ang sarili mo, eh. Alam mong hindi totoo ‘yan.”

Ang sagot naman ni Manika, “Ayen, ‘di ba, ang gusto mo magkaayos tayo? Kung ano ‘yung sasabihin ko, puwede mo sa aking sabihin na… ‘wag mo ‘ko i-sarcastic na ‘wow, wow,’ kasi hindi tayo magkakaayos kung ganyan.”

Singit naman ng PA, “maldita talaga.”

Patuloy ni Manika, “sinabi mo kay Sir Raffy ang side mo, pasalitain mo rin ako ng side ko. Wala naman akong idene-deny, eh.”

Ang isa sa mga hiling ng PA ay mag-apologize sa kanya si Manika publicly, sa mismong show, pero hindi ginawa ng young actress dahil ang gusto raw niya, kapag sila na lang dalawa.

Kinontra naman ni Raffy at aniya, ang public apology ay sign ng sincerity and humility.

Pero pumayag naman si Manika na bayaran ang lahat ng dapat niyang bayaran sa PA since ayon nga kay Raffy ay kulang ang 7,000 pesos sa lahat ng mga pagsisilbi nito.

Sa bandang huli, sinabi ng PA na sana raw ay maging lesson ito sa young actress at sana raw ay huwag nang maulit sa iba ang ginawa sa kanya.

“Sana, maging eye-opener din ito sa mga kagaya niyang maldita,” sabi ng PA.

“Hindi ako maldita,” sabi naman ni Manika.

Tinanong ni Raffy ang young actress kung hindi ba siya makikilala ng mga tao sa tawag nilang Manika at sagot ng young actress, “sir oo kaya.”

Sey naman ni Raffy, “ang layo naman ng Manika sa tunay mong pangalan,” at sagot ng young actress, “ang Tagalog po ng pangalan ko.”

Nagbiro si Raffy at ibahin na lang daw niya at gagawin na lang niyang Chucky or Annabelle na as we all know ay mga manika sa mga mga horror films na “Child’s Play” at “Annabelle” respectively.

Sa comments section sa YouTube ay napakarami ang humula na si Barbie Imperial ang tinutukoy na young actress dahil kaboses daw nito at dahil nga rin sa tawag na Manika.

Heart sinisiraan ng grupo ng kababaihan

May ini-reveal naman si Heart Evangelista sa kanyang Instagram last Monday night. Aniya ay narinig niya ang isang grupo ng kababaihan na sinisiraan siya.

Ayon sa post ni Heart sa kanyang IG Story, gusto raw niyang maiyak nang marinig ang paninira sa kanya ng mga babae na hindi niya tinukoy kung sino-sino.

“Not the type to get bothered but I heard a group of women talking ill about me and I wanted to cry (maybe I’m just tired /weak today) but soon after I prayed I realized … why should I cry?

“They should feel horrible/ dirty saying bad things about someone who didn’t wrong them … esp if they are SO much more blessed compared to others.”

“Thought of the day… just keep doing good. Just silently do your thing … GOD WILL DO THE REST:) or shall I say paint away,” ang pahayag ni Heart.

Well, we’re just wondering kung taga-showbiz ba ang tinutukoy ni Heart.