Abante Tonite Interactive

Barbie, tugma sa husay at alab ni Nora

By
15

AFTER Kusina, I think one of the most important films this year is Derrick Cabrido’s Tuos.

Hindi ito madaling una­wain dahil ang mga linya ay sa Kiniray-a. Pakiramdam ko tuloy, ang pinanood ko ay isang pelikulang wikang banyaga ang ginamit na parang Italian o Spanish.
Thank goodness for subtitles!

Ang folkore na importanteng bahagi nito, ayon sa direktor nito ay ‘yung sinauna pang Kiniray-a.
Ipinakita ang buhay ng isang binukot, ang kayamanan ng kanilang mga tradisyon at kung paano ang paraan ng kanilang pamumuhay ay hindi para sa lahat ng babae.

Ang pagkalito at kaguluhan, hirap at sakit. sakripisyo para sa tradi­syon, totoong-totoong ipinakita at ipinadama sa mga manonood ni Ms. Nora Aunor bilang matandang binukot na si Pina-ilog.

Ang pagrerebelde, ang hindi bukal na pagtanggap sa kinaugalian at kinalakihan, ang pagna­nasa na ibahin ang buhay at kinabukasan, ang tamis ng unang halik at pag-ibig bilang pagsuway sa naitakda na at paghingi ng tawad sa isang desisyon… kay Barbie Forteza bilang Dowakan ang paglalahad nitong lahat.

Sa Tuos, hindi lang sinalamin kundi isinambulat sa lahat kung paanong ang kababaihan ay ginagawang simbolo ng kapangyarihan at paggalang, keepers of the faith and tradition pero ang mga katotohanang ito ay tila dikta ng lipunan at ang kulturang kinagisnan ang nagbilanggo sa kanilang pagkatao at pagkababae

Bilang Pina-ilog, wa­ging-wagi ang mga ci­nematic orbs ni Aunor. Sa kanyang mga mata, makikita mo ang agam­agam, kalungkutan, siphayo, paghihirap at pagtatagumpay.
As a viewer, hindi mo lamang makikita ang kanyang kadakilaan bilang aktres.

Ramdam na ramdam mo ito sa tahimik nilang confrontations ni Barbie, sa paglalakbay niya habang nasa loob ng basket, sa kanyang pagsasayaw, sa pakikipaglaban niya sa masamang ispi­ritu.

‘Yung eksenang unang tumapak ang kanyang paa sa lupa at naglakad papuntang dalampasigan, bakas sa mukha ni Aunor ang tagumpay sa isang labang dinala ni­yang nag-iisa.

Nagawa ni Barbie na tumugma sa intensity at emotional commitment at gravitas ni Aunor.
Siya ay pinagsamang apoy at yelo, walang pakialam sa consequences of her blame-it-to-her-youth decision pero tunay na mahal ang kanyang lola.

Bongga rin ang on screen chemistry nila ni Ronwaldo Martin. Bagay na bagay sila.
Maglalakas-loob akong sasabihin na si Forteza ang pinakamahusay na artistang babae of her generation.

She is the lead alpha female of her alpha pack kung saan kasama sina Therese Malvar, Barbara Miguel, Katrina Legaspi, Carl Dala, CJ Navato, Ronwaldo Martin at Gold Azeron.

Tuos is not easy to absorb and digest, and it does not apologize for what it is, which is a cinematic feast and triumph.

***

Ang Bagong Pamilya ni Ponching ay magpapa-alala sa iyo nu’ng panahong ‘simple’ lamang ang indie film making.

‘Yung panahong alam mong kulang pa talaga sa budget kaya ingat na ingat sa mga eksena at parang iilan lang ang camera. Kaunti lang ang location at kung pwede, lahat ng sequences eh sa isang lugar lang gagawin.

Wala itong illusion of greatness. Wala rin itong kiyeme latik na it is aiming to be the best of Philippine cinema.
Pero what you get is an honest to goodness movie with simple intentions.

Ang kasimplehan nito, is what makes Ponching an endearing movie find.
Ang gusto nilang ipakita ay mali ang text scamming at hindi pa old fashion at lalong hindi pa cliche ang kasabihang ‘honesty is the best policy.’

Malaking bagay rin na ang bida sa pelikula ay si Janus del Prado. He is not acting against his type and you cannot help but root for him.

Para siyang boy who refu­ses to grow up and be a man and without any effort, he charms you.

He affects you in a feel good kind of way. As the movie progressed, mapapagtanto mo na this con artist eh may pusong mamon at pusong ginto pala.
Panalo pa ang kanyang side kick na si Ketchup Eusebio.

Tatak na tatak na rin sa audiences ang trying hard, second rate, copy cat of an Inglisera pero laging groping for the right words na si Mimi Juareza.

***

Hindi masyadong lumihis sa play origins ang Hiblang Abo ni direk Ralston Jover.
Ipinakita sa pelikula ang apat na matatandang magkakaibigan sa home for the aged.

Ang mga nagsiganap sa bersyon ni direk Ralston ay sina Lou Veloso, Nanding Josef, Leo Rialp at Jun Urbano.

Indie na indie rin ang dating nito at hindi masyadong nawala ang conflict, drama at essence of the play nang ini­lipat na ito sa film medium.

Mahuhusay ang apat na aktor pero sa ganang akin, lutang na lutang brillo at galing sa pagganap nina Veloso at Nanding.

Mabigat sa dibdib, medyo depres­sing pero timely reminder ang Hiblang Abo of the kasabihan na in life, whatever you sow, you shall reap at hindi madaling matanda sa nakakabaliw na mundong ito.

Kay direk Ralston, Bombita perhaps ang maging next play to film project mo?