Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbie walang visa, iniwan ni Diego

0 387

Sinagot na ni Diego Loyzaga ang million-dollar question ng mga fan kung bakit hindi sila magkasama ng girlfriend na si Barbie Imperial sa America.

Dumalo si Diego sa digital presscon kahapon ng pelikulang The Wife na mapapanood sa Vivamax sa Feb. 11. Kasalukuyan pa ring nasa US ang aktor at isa sa naitanong sa kanya ay kung bakit hindi niya isinama ang GF.

Paliwanag ni Diego ay biglaan ang alis niya at hindi raw pwedeng makasama si Barbie dahil wala itong US VISA.

“Well, I came here all of a sudden. Like I came here, it wasn’t planned and I don’t think Barbie has a blue passport. I booked my flight a day before I left,” ani Diego.

Kahit gustuhin man daw pumunta ni Barbie ay hindi puwede since wala nga itong US VISA.

Matatandaang umalis si Diego before New Year base na rin sa kanyang mga IG post.

Samantala, first movie ni Diego for 2022 ang The Wife. Kasama niya rito sina Louise delos Reyes at Cara Gonzales mula sa direksyon ni Denise O’Hara.

Excited si Diego sa movie na aniya ay napakaganda raw ng script at sobrang challenge nga raw sa kanya dahil napakaraming heavy drama.

“I’ve never been in a role like this before, tulad ng nangyari sa script. So, it’s definitely a different level of heaviness. Tulad ng sabi ni Louise, it was heavy. Heavy script, heavy drama,” he said.

May mga love scene ang aktor sa kanyang dalawang leading ladies at naitawid naman daw nila ang mga eksena professionally.

Leave A Reply

Your email address will not be published.