Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbosa binakuran taekwondo korona

0 61

TAGUMPAY na dinepensahan ni 2020+1 Tokyo Olympian Taekwondo jin Kurt Bryan Barbosa ang kanyang titulo para sa gintong medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Tayo Ho Gymnasium sa Hanoi, Vietnam.

Nadepensahan ng 22-anyos na tubong Bangued, Abra ang men’s finweight 54kgs category nang talunin sa championship match si Panachai Jaijulla ng Thailand 16-7, matapos ang magandang panimula ng makuha ang 2-0 at 6-0 na maagang kalamangan sa 1st at 2nd session.

Sinubukan ng Thai jin na humabol sa huling session, ngunit nabigo itong maungusan o ma-knockout ang 2021 Asian Qualification Tournament gold medalist sa iskor na 7-8.

SM food to go Banner Ad

Maituturing namang rising star ng kanyang henerasyon si Barbosa na naging ikalawang Filipino taekwondo athlete na nakapagkuwalipika sa Summer Olympic Games matapos ang panalo sa Amman, Jordan noong isang taon.

Ang unang Olympian na direktang nagkuwalipika ay si Tshomlee Go noong 2008 Beijing Olympics.

Ang tinanghal na Rookie-MVP ng 81st season ng UAAP na naging parte ng national team sa kanilang grassroots program sa ilalim ni coach Carlos Padilla, ay paniguradong muling tatangkaing makabalik sa 2024 Paris Olympics at makalaban sa Hangzhou Asian Games. (Gerard Arce)

Leave A Reply

Your email address will not be published.