Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barbosa pasok na sa Tokyo Games

0 244

NASUNGKIT ni Kurt Barbosa ang ikasiyam na silya ng Pilipinas sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics matapos na tumuntong sa kampeonato ng men’s -58kgs division ng nagtapos kagabi na na 2021 Asian Taekwondo Olympic Qualification Tournament na sa Kempinski Hotel sa Amman, Jordan.

Binigo ng 6th seed na si Barbosa ang nakatapat sa semifinals na si Zaid Al-Halawani ng host na bansa na Jordan sa matinding sagupaan na umabot sa iskor na 50-49.

Makaksagupa ni Barbosa para sa gingong medalya si Ramnarong Sawekwiharee ng Thailand.

Unang tinalo ng 6th seed na si Barboba ang nakatapat na No.3 seed na si Molomyn Tümenbayar ng Mongolia, 40-33, upang sumampa sa semifinals, kung saan kailangan nilang maipanalo ang sagupaan upang kapwa masungkit ang inaasam na silya sa Olympics.

Makakasagupa ng No. 2 seed namang si Kirstie Alora at kailangan lamang talunin sa semifinal ang No. 2 seed na si Svetlana Osipova ng Uzbekistan upang agad na masiguro ang pagbabalik sa kada apat na taong torneo.

Muli naman nabigo ang 2018 Asian Games bronze medallist na si Pauline Louise Lopez na makatuntong sa kanyang unang Olympics matapos itong mabigo sa quarterfinals kontra Laetitia Aoun ng Lebanon sa ginaganap
Nahawakan pa ni Lopez ang 6-3 iskor sa unang round subalit unti-unting nakaganti ang kalaban nito sa huling dalawang round upang malasap ng tinanghalna 2019 Southeast Asian Games gold medallist ang 10-21 kabiguan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.