Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barcena bobotak sa Boston 42K

0 564

Natupad ni multitled half-marathoner at 2019 Berlin Marathon veteran Nhea Ann Barcena ang pinapangarap na matakbo rin ng bawat marathoner.

Kakakampeon lang sa 1st Worldwide Virtual Masters Challenge (WVMC) 2020 women’s half-marathon 35-age group, nag-qualified ang 38-year-old, 5-foof-2, Panulukan, Quezon native pero Taguig resident at Alveo Land technical support employee , sa 125th Boston Marathon 2021 sa Massachusets, USA sa darating na October 11.

SM food to go Banner Ad

Nakuha niya ang 3:35:00 Boston qualifying time sa Berlin Marathon September 2019 na tinapos niya sa 3:06:38.

“Sobrang excited ako sa Berlin result kasi mahirap makapasok lalo na sa Boston, limited slots lang sila this time, dapat malakas talaga ang time mo, sa age category ko from QT-3:35:00 to 3:27:12 na, pinabilis nila ng 7 mins, 47 secs. This time nagsisimula na akong mag-training,” litanya Miyerkoles ng dalagang mananakbo. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.