Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barcena kampeon sa world virtual 21k race

0 51

Tinrangkahan ni 2019 Berlin Marathon veteran Nhea Ann Barcena ang pagpapakitang-gilas ng tatlong kababaihang pambato ng National Masters and Seniors Athletics Association of the Philippines (NMSAAP) na accredited ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), sa katatapos na 1st Worldwide Virtual Masters Challenge (WVMC) 2020.

Nagkampeon ang 38 -year-old, 5-foof-2, Panulukan, Quezon pero Taguig resident at Alveo Land technical support employee , sa women’s half-marathon 35-age group sa clocking na 1 hour, 27 minutes at 19 seconds.

Pumangalawa pa si Barcena, consistent winner sa mga 21K regional race ng National MILO Marathon, sa nasabing age level sa 5,000-meter footrace sa 19:50, at sa 1,500m run sa 5:14.

Sumegunda rin ang abogada namang nakabase sa San Pedro City na si Maria Carmencita Obina-Muaña sa W50 5,000m race sa tiyempong 25:59.

At tumersera si Drolly Claravall sa W50 shot put 3-kilogram B sa hinagis na 7.96m at sa discus throw 1kg B sa distansyang 20.66m.

Isinagawa ang kompetisyon ng World Masters Athletics (WMA) bilang pagkilala sa Toronto Team 2020 at mga atletang may 35 taon at pataas sanhi sa pagkakansela ng 24th World Masters Athletics Championships (WMAC) 2020 nitong Hulyo 20-Agosto 1 sa York Lions Stadium at Varsity Stadium sa Canada dahil sa Codiv-19. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.