Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barcena, Salaño sakalam!

0 94

BILIB ang marami, kasama na ang inyong lingkod o TP sa Magic 10 winners ng ASICS Rock ‘n’ Roll Running Series 2022 Manila na ginanap sa araw ng kabisera ng bansa noong Biyernes, Hunyo 24 paalis at pabalik sa Luneta Park.

May mga distansya ang 4-in-1 footrace na 42K (full-marathon), 21K (half-marathon), 10K at 5K na inorganisa ng IRONMAN Group sa pangunguna ni general manager Princess Galura.

Pinakita nina running coach Nha Ann Barcena ng Bonfacio Global City Taguig Barcena’s Running Warriors at Richard Salaño ng Philippine Army ang kalakasan kahit galing tayo sa mahigit dalawang taong pandemya.

Bumida si Running Coach Nhea Ann sa women’s division ng 21K sa clocking na 1:27:36, dinaig ang mahigpit na mga karibal na pumangalawa’t pangatlo na sina G. H. Quiambao (1:33:03) at Lany Adaog (1:39:21).

Nagposte naman si Salaño, 30, 1:13:05 upang ilagay na lang sa dos-tres sina Josh Ramos (1:19:36) at J. E. Gay (1:19:40).

Sisikapin kong makakuha ng 42K results at babanggitin ko sa susunod na labas ng aking kolum.

Saludo po ng TP sa lahat ng sangkot sa matagumpay na kaganapan.

***

Happy 18th birthday sa panganay kong anak na nasa Japan na si Raniel E. Cruz na nagdiwang nitong Sabado, June 25. Miss and love you anak. God bless.

Leave A Reply

Your email address will not be published.