Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barcena tinapos Boston Marathon

0 77

Dinagdagan ni multitled half-marathoner at running coach Nhea Ann Barcena ang personal na mga karangalan nang bitbitin ang watawat ng ‘Pinas at maging isa mga finisher ng 125th Boston Marathon 2021 sa Massachusets nitong Lunes (Martes sa Manila).

Binagtas ng 38-anyos na dalaga, may taas na 5-2, tubong Panulukan, Quezon pero sa Taguig City na residente at kawani ng Alveo Land, ang makabali-tuhod at makasabog-bagang 42.195-kilometrong hagaran sa 3 oras, 25 minuto at 51 segundo.

Pumuwesto siyang 4,860th mula sa 15,374 finishers buhat sa limitadong 20K starters. Nasa 1,283rd siya sa female gender, at nasa 904th sa 2,834 na mga tumapos sa women’s 18-39 age-group.

“Well organized ang Boston lalo na sa screening regarding Covid-19. New experiences, dahil sa sports napupuntahan ko ang iba’t ibang lugar and nakaka-meet ng ibang nationalities shared different experiences. Maisi-share koi to sa co-runners ko. Magandang exposure ang laro internationally,” lahad ni Barcena.

Ito ang second world marathon majors niya makaraan ang September 2019 Berlin Marathon sa Germany, tinapos niya sa 3:06:38 at naging qualifying ticket pa-Boston. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.