Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barcenilla tinumba si Paragua

0 83

Ibinuhos ni Grandmaster Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr. at ng Laguna Heroes ang ngitngit kontra Cavite Spartans, 17.5-3.5, upang tumabla sa pangunguna sa North ng 1st Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All-Filipino Conference Linggo.

Nakabawi ang Laguna sa pagkataob sa Caloocan Loadmanna Knight nitong Sabado at inakbayan ng Heroes ang Caloocan at Juan Predators na may 23-4 win-loss records sa torneo.

Binalikat ang atake ng Laguna ni many-time national champion Barcenilla na pinadapa ang kapwa GM na si Marc Paragua. Nanalo rin sina Fide Master Austin Jacob Literatus, Kimel Lorenzo, Karen Enriquez at GM John Paul Gomez. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.