Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baril pinaglaruan ng pulis, bilanggo dedo

0 305

Patay ang isang preso nang maputukan ng service firearm ng isang pulis habang pinaglalaruan sa bayan ng San Luis, Aurora, Sabado ng gabi.

Kaagad iniutos ni P/Brig.Gen.Valeriano T. De Leon, Regional Director ng Police Regional Office 3 kay P/Col.Julius Lizardo, Provincial Director ng Aurora Police Provincial Office, na disarmahan ang rookie cop na si Pat. Christian Torres y Ritual, 27, binata, taga-Barangay 4, San Luis, Aurora kasabay ng pagpapasailalim sa restrictive custody.

Ang nasawing preso ay si Christian Gabral y Lumasac, 39, binata, taga-Barangay Zarah, San Luis at pansamantalang nakapiit sa San Luis Municipal Police Station. Hindi binanggit sa report kung anong kaso ang kinasangkutan nito.

Nabatid na noong Sabado, habang nanonood ng TV sa detention cell ng San Luis Municipal Police Station ang presong si Gabral nang magtungo sa harap ng detention cell si Pat. Torres at walang dahilan ay binunot nito ang inisyung baril sa kanya, pinaglaruan. Aksidente itong pumutok at tumama ang bala sa dibdib ni Gabral. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.