Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barkada ng Bagong Umaga puno ng inggitan, galit

0 117

NI: ROLDAN CASTRO

Isang bagong barkada ang magbibigay ng pag-asa at aral sa mga manonood sa bagong serye ng ABS-CBN na “Bagong Umaga.”

Mapapanood ito tuwing hapon simula Oktubre 26 (Lunes), 2:30 PM sa A2Z channel 11 , Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.

Tampok sina Tony Labrusca, Barbie Imperial, Kiko Estrada, Michelle Vito, Yves Flores, at Heaven Peralejo, iikot ang serye sa anim na kabataan na magkakabit ang kwento dahil sa kani-kanilang nakaraan.

Sa pagkakaibigan nila na puno ng pagkukunwari, inggitan, at galit, may tsansa kaya mauwi ang barkada sa tunay na pagkakaibigan? Anu-ano pa kaya ang mga lihim na magdidikit sa kanila?

Makakasama rin ng barkada ang mga premyadong aktor na sina Sunshine Cruz, Cris Villanueva, Keempee de Leon, Nikki Valdez, Bernadette Alisson, Richard Quan,Glydel Mercado at Rio Locsin.

Ito ay sa ilalim ng produksyon ni Rizza G. Ebriega, na nagbigay ng dekalibreng mga serye gaya ng “Nang Ngumiti Ang Langit” at”Pamilya Ko.”

Mapapanood din ito sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

Ito rin ay na sa Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iwant app o iwanttfc.com.

Anyway, isang espesyal na Monday episode ang live na ihahandog ng “It’s Showtime” ngayong Oktubre 19 dahil makikisama ang mga bida ng “Bagong Umaga” at si Enchong Dee sa kulitan at paghahatid ng good vibes ng hosts.

Kasama sa segment na “Mas Testing” sina Tony Labrusca at Heaven Peralejo bilang mga tumpak tracer na susubukang hulaan kung sino sa persons under testing ang mas lamang sa iba’t ibang test.

Ang “Bagong Umaga” co-stars naman nilang sina Barbie Imperial, Yves Flores, Kiko Estrada, at Michelle Vito ang apat na persons under testing.

Leave A Reply

Your email address will not be published.