Abante Tonite Interactive

Barkada ni Daniel ang dahilan, McLisse mabubuwag

By
4,655

How true na nanganganib na raw at posibleng buwagin ang loveteam nina McCoy de Leon at Elisse Joson, ang Mclisse?

According to our source nasira na raw ang pagtitinginan ng dalawa dahil ang bagong boyfriend daw ngayon ng young actress ay ang Star Magic star din na si Patrick Sugui. Si Patrick ay isa sa kilalang barkada ni Daniel Padilla.

Lugmok daw at malungkot si McCoy na kitang-kita sa taping ng kanilang teleser­yeng The Good Son, kuwento pa raw ng co-star niya.
Totoo ba na minadaling tapusin ang mga mall shows nila dahil hindi nagpapansinan ang dalawa?

Marami raw mga fan ng McLisse ang nadismaya, higit na nagalit kay Elisse at ­nakisimpatya kay McCoy.

Nanghihinayang kasi ang iba sa laki ng fanbase ng loveteam nila at ­kinumpara pa nga ang lakas ng fandom nila nung ­nag-uumpisa pa lamang ang KathNiel.

Sa huling interview sa dalawa ay binida nila ang launching project nila together pero ano kaya ang mangyayari kung hindi sila nagkikibuan?

Wala pang nagkukumpirma sa magkabilang panig kung may katotohanan ito. Pwede rin ­naman kasi na kahit hindi ­naman maging sila sina Elisse at McCoy in real life ay maaari pa rin naman ituloy ang tambalan nila. ‘Yun lang ay kung matatanggap pa rin ito ng kanilang mga fan.

Nagsimula ang loveteam ng dalawa nang pareho ­silang pumasok sa PBB Season 7 taong 2016. Nakakuha kaagad sila ng maraming fans kaya naman kahit baguhan that time si McCoy bilang miyembro ng Hashtag at medyo matagal na rin naman si Elisse sa showbiz ay binigyan ng pagkakataon ng management.