Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barko lumubog sa Leyte, 1 tsugi

0 86

Isang crew member ang binawian ng buhay nang lumubog ang isang RoRo passenger ship sa Ormoc City, Leyte gabi ng September 24.

Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pumanaw na si Raquel Alo, 33, purser ng barko, na na-trap sa loob ng vessel.

Natagpuan ang katawan ng biktima sa ilalim ng mga kargamentong sakay ng MV Lite Ferry 3.

Itinurn-over ang bangkay sa Ormoc City Scene of Crime Operatives para sa proper disposition at bandang alas-5:00 ng madaling-araw nitong Sabado ay nadala na sa punerarya sa nasabing siyudad.

SM food to go Banner Ad

Samantala, na-rescue naman ang 15 nakaligtas na crew member at dinala sa Ormoc City Disaster Risk Reduction and Management Office para medical assistance.

Nagkaproblema umano ang barko habang nagsasagawa ng docking maneuver sa Ormoc Port alas-11:50 ng gabi noong Biyernes.

Pinayuhan ng PCG ang kapitan ng barko na maghain ng marine protest. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.