Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barko na may 4K litrong diesel lumubog

0 290

Lumubog ang isang landing craft tank vessel na naglalaman ng diesel at hydrolic oil sa baybaying-dagat kahapon sa Albuera, Leyte.

Nabatid kay Philippine Coast Guard spokesperson Commodore Armand Balilo, sa natanggap na inisyal na ulat, ang LCT Jacqueline Star ay inabandona ng mga crew nito sa baybayin ng nasabing bayan dahil sa bagyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid na ang naturang barko ay pag-aari ng Roble Shipping Inc., at may kargang 4,000 litro ng diesel at isang drum ng hydraulic oil.

Ayon kay Balilo, maglalagay ang PCG ng oil spill boom sa lugar kung saan lumubog ang barko para maiwasan ang oil spill doon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.