Abante Tonite Interactive

Barko na may 63 pasahero lumubog sa Cebu

0 193

Isang barko na may sakay na 63 katao ang lumubog habang binabaybay ang karagatan sakop ng Sibonga, Cebu kahapon ng umaga.

Sa ulat ni Philippine Coast Guard (PCG) Spokeperson Captain Arman Balilo, nasa 53 pasahero at 10 crew ang sakay ng MV Siargao Princess nang maglayag ito dakong alas-9:30 ng umaga mula sa Bohol.

Pinasok umano ito ng tubig dahil sa hampas ng malalaking alon at pagsapit ng alas-11:15 ng umaga sa Sibonga, Cebu ay tuluyan na itong lumubog.

Mabilis namang nakapagpadala ng distress alert sa PCG ang kapitan ng barko dahilan upang agad na makapagpadala ng rescue team ang ahensiya.

Sa huling update ay ligtas naman ang lahat ng sakay ng barko, 59 sa mga ito ay lulan ng MRRV 4406 patungong Carcar, Cebu habang nauna ng nakarating sa pampang sa Carcar ang apat na iba pa.

Patuloy naman ang imbestigasyon kung ano ang dahilan ng paglubog ng nasabing barko. (Edwin Balasa)