Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barko sumabog sa Tawi-tawi, 9 crew na-rescue ng marines

0 426

Nailigtas ng Philippine Marines ang siyam na crew ng isang lumubog sanhi ng pagsabog ng barko sa bahagi ng Tawi-Tawi.

Sa report, nangyari ito noong Abril 4 kung saan ang mga tropa ng Marine Battalion Landing Team-12 ang nagligtas sa mga crew.

“Based on the report from Joint Task Force Tawi-Tawi, the motor launch boat, M/L Marissa, with nine Filipino crew members on board was loading gasoline from a tanker from Sabah when its generator battery sparked causing its explosion,” sinabi ni WesMinCom Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan, Jr.

Sinabi naman ni MBLT-12 Commanding Officer Lt. Col. Aladdin Caluza, na ang tropa ng 312th Marine Company sa Panguan Island kasama ang Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ng Sitangkai ang unang rumesponde sa pagtawag ng saklolo ng M/L Hasana sa pamamagitan ng Kapitan ng barko na si Abi Usman.

Kuwento ni Usman bago ang insidente ay nakita niya na may tatlong barko sa lugar: ang M/L Hasana mula sa Bongao, Tawi-Tawi; isang gasoline tanker mula sa Sabah; at ang lumubog na M/L Marissa.

SM food to go Banner Ad

Agad na umalis ang tanker nang magkaroon ng pagsabog sa takot na masunog din o madamay at pumutok.

Sinabi pa ni Usman na ang lugar ay karaniwang lugar kung saan nagkikita ang mga fuel trader mula sa Malaysia at sa Pilipinas.

“Boat Captain Usman said the crew of M/L Marissa boarded on small watercraft (tiririt) and sailed towards the direction of Bulu-Bulu Island,” sinabi ni Lt. Col. Caluza.

Agad itong tinungo ng rescue team at saka iniligtas.

Tatlo sa naisalbang nine crew member ay nalapnos ang balat sa pagsabog.
“The vigilance of our marine troopers is very commendable. Congratulations and carry on your humanitarian acts,” sinabi ni Lt. Gen. Vinluan, Jr. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.