Abante Tonite Interactive

Barkong pandigma nasa Ormoc

By
13

Dumating na kahapon ng umaga sa Ormoc City ang barkong pandigma ng Pilipinas hindi para sumabak sa giyera kundi para maghatid ng tone-toneladang relief supplies para sa mga nasalanta ng malakas na lindol sa probinsya ng Leyte.

Lulan sa BRP Batak ng Philippine Navy ang nasa 9,307 litro ng tubig, 11.2 tonelada ng iba’t ibang relief goods mula sa Cebu Chamber of Commerce and Industry at ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation at 40 tonelada ng malinis na tubig na mula sa Philippine Navy.

Nagtulung-tulong ang mga sundalo upang ikarga sa mga sasakyan ang mga relief goods na dadalhin muna sa City Hall ng Ormoc bago ipamahagi sa mga biktima ng lindol.

Naglayag ang BRP Batac mula Cebu City nitong Biyernes ng gabi.