Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Barkong pandigma ng Germany maglalayag sa WPS

0 109

Nagpasalamat si Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon sa Germany dahil sa plano nitong paglalayag sa South China Sea o West Philippine Sea (WPS) upang tiyakin ang freedom of navigation sa pinag-aagawang karagatan, na inaangkin ng China.

Sa kanyang tweet, ibinahagi ni Biazon ang isang artikulo na may title na, “US Hails German Warship Plan to Sail South China Sea.”

SM food to go Banner Ad

Dahil sa planong paglalayag ng German warship, mapapalakas aniya nito ang napanalunang arbitration award ng Pilipinas noong 2016 tungkol sa claim sa WPS.

“International community taking action to ensure freedom of navigation in international waters in the SCS. In effect, this bolsters the arbitration award the Philippines won in 2016. Thank you, Germany,” reaksyon ni Biazon, March 6. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.