Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baron 7 beses na-rehab

0 336

NI: ARCHIE LIAO

Isiniwalat ni Baron Geisler ang mga pakikibaka niyang pinagdaanan noong sugapa pa siya sa alak sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks.

Ayon kay Baron, noong alipin pa raw siya ng kanyang bisyo, lagi raw siyang lutang at talagang walang direksyon ang kanyang buhay.

Dahil din sa katanyagan, aminado rin siya noong yumabang.

Ito rin daw ang dahilan kaya madalas siyang takaw-gulo at maging ang relasyon sa kanyang pamilya at ilang katrabaho ay nakokompromiso.

Kadalasan, sex objects daw ang tingin niya sa kababaihan.

Aminado rin siyang naka-pitong rehab siya sa kanyang battle with alcoholism and problematic behavior.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Malaking bagay raw at blessing ang pagdating sa kanya ng kanyang wife na si Jamie, isang psychologist na nakilala niya sa rehab.

Nagkaroon daw ng bagong direksyon ang kanyang buhay dahil ang misis daw niya ang umakay sa kanya sa pagbabago.
Ito rin daw ang sumupil sa kanyang pagkamasarili.

Hindi rin niya ikinahihiya kung kaanib na siya sa samahan ng kalalakihang takusa o takot sa asawa.

Inspirasyon din daw sa kanya ang kanyang anak na si Talitha dahil natulungan siya nitong maging mas responsable.
Regrets lang niya, na hindi naabutan ng kanyang ina ang kanyang apo dahil kung nabubuhay daw ito ay tiyak na ii-spoil nito ang bunso.

Hirit pa ni Baron, malaking bahagi raw ng kanyang pagbabago ang kanyang personal na relasyon sa Diyos.

Sey pa ng aktor, gusto raw niyang mabasa ng anak paglaki nito na may mabuting ipinunla ang kanyang ama at hindi pulos negatibo, kaya desidido siya sa kanyang tuluyang pagbabago.

Leave A Reply

Your email address will not be published.