Abante Tonite Interactive

Baron dismayadong pekeng Datu?

421

Karay-karay ni Baron Geisler sa Sine Sandaan event sa New Frontier Theater sina Raja Mamay at Queen Helen ng Sulu and North Borneo na nagbigay sa kanya ng royal title na Datu nu’ng isang araw lang.

Agad na nagreak dito ang Sultanate of Sulu and North Borneo at sinabing ‘fake news’ ang balitang isa nang Datu ng Sulu si Baron.

Ayon sa kanila, ang ‘Royal Imperial Lupah Sug Islamic United Kingdom of Sulu and North Borneo’ na pinamumunuan nina Mohammad Mamay Abdurajak at Helen Fatima Abdurajak, na pareho umanong ‘commoners with no royal blood’ ay hindi kinikilala ng Philippine government as one of the claimants to the Sultanate of Sulu.

Reaksyon ni Queen Helen, sumakto raw sa pagdiriwang this month ng National Peace Consciousness ang pagbigay nila ng honorary title na Datu kay Baron.

Nilinaw nito na siya raw ay totoong nagmula sa Sulu at si Raja Mamay daw ay tunay na apo ng isang royalty sa Malaysia.

“Let them talk what they want to say, but we are here to prove that we are from the lineage of the Rajas,” pakli ni Queen Helen.

Anong feeling ni Baron na may kumukuwestyon sa kanyang pagiging Datu?

“Unang-una, I never questioned their position. For me naman, I accepted the blessing and the gift because matagal na ‘yung mission and vision ko, eh.

“It’s to spread the Word and just talk to the youth about mental health, awareness and suicide prevention and the things that I’ve gone through in the past.

“Baka makatulong to serve as a halimbawa, a prevention na huwag nilang gayahin or puntahan pa ‘yung pinagdaanan ko.”

Dagdag pa ni Baron, ‘yung mission and vision daw na sinasabi niya ay nandu’n na bago pa siya binigyan ng titulong Datu.

“I’m part of the Knights of the King’s Circle International Inc. and that’s where I met Raja and Queen. Nag-speak ako doon, I shared my testimony and natuwa sila sa akin.”

Dismayado ba siya na may nagsasabing peke ang pagiging Datu niya?

“Not really because sa akin naman, that’s not mine to ano, eh. I don’t have to interfere there, so I’m just leaving everything na lang to God.”

So, totoo ‘yung title niya na Datu?

“Ako, I’d rather choose the title na ambassador of Christ. Kasi, a title is just a piece of paper for me.

“What’s important is ‘yung goal namin, which is to spread the Word, build churches, go around schools. That’s my mission.”

P50M pondo nakuha ng FDCP

Kalat na kalat pala ‘yung chika na kesyo P50M daw ang ginastos ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa magarbong selebrasyon ng 100 years of Philippine Cinema.

Ginanap ang Sine Sandaan sa New Frontier Theater nu’ng Huwebes at nakausap namin doon si FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra na punong abala sa event.

Nilinaw niya na ang P50M na ‘yon ay binigay na co-production fund for next year ng FDCP. Location incentive fund daw ito na makaka-attract ng foreign productions to shoot in the country.

“It’s a scheme na gagawin natin para mas lalong dumami ‘yung productions na gagawin dito sa Pilipinas,” pakli ni Liza.

So, hindi para sa Sine Sandaan ang P50M na ‘yon?

“Ay, hindi! Oh no, not at all! Kung nakita n’yo kung gaano kalaki ‘yung event na ‘to, hindi n’yo aakalain na P8M lang ‘yung pera namin para dito dahil ang daming tumulong talaga,” pakli niya.

Galing daw sa Department of Tourism ang nasabing budget. ‘Yung P50M is for another program na matagal na raw nilang nila-lobby, finally ay nakuha na ng FDCP.

“Acually, kung may P50M ako, I will spend it for this one because our industry deserves no less. Pero I don’t have P50M, so salamat DOT.

“Ayaw nilang magpaano (magbanggit na sa kanila galing ang P8M budget ng Sine Sandaan), pero grabe ang suporta nila sa amin.”

Natanong din si Ms. Liza kung anong naging basehan sa pagpili ng 300+ luminaries na pinarangalan nila nu’ng gabing ‘yon.

May mga nagtataas kasi ng kilay sa ilang mga napili at may tanong ‘yung mga sinasabing mas deserving na hindi napasama sa luminaries list.

Aniya, binase nila ‘yon sa magaganap nu’ng gabing ‘yon bilang milestone celebration ang ika-100 taon ng industriya ng pelikulang Pilipino.

Kasama raw dito ang iba’t ibang sektor, so merong mga behind the camera gaya ng scriptwriters, editors etc. dahil bahagi rin daw ang mga ito ng industriya, hindi lang ‘yung malalaking artista.

Marami raw pinagdaanan ang pagpili nila na ‘yon. Kumonsulta raw sila sa iba’t ibang institusyon na kasama sa committee ng organizing council ng Sandaan.

Tumawag din daw sila sa mga guild at nagpa-nominate ng mga pangalan, tapos ay nagtanong sa mga historian hanggang sa mapili nila ang mga pangalan.

At kaya raw hindi nila nilabas ang listahan ay dahil wala pa man ay ang dami nang nagrereak. Ayaw raw niyang patayin ‘yung moment na ‘yon, na pupunta sa event ang mga imbitado na may agam-agam na baka ma-judge sila.

“This is not for FDCP’s promo, na gagamitin namin ‘yung mga artista na kasali rito para lang lumaki at magkaroon ng relevance sa FDCP.

“No, this is for them. So, as much as possible, mas less intriga, mas maganda. Because I just want everybody to be happy tonight,” bulalas ni Chair Liza.

Aminado ang maybahay ni Ice Seguerra na may mami-miss na names sa ginawa nilang listahan, pero umpisa pa lang daw ito at may isang taon pa raw na selebrasyon ang sentenaryo ng Philippine cinema.