Abante Tonite Interactive

Baron galit na galit kay Nadia

By
13

GALIT na galit si Baron Geisler kay Nadia Montenegro base sa post niya sa kanyang social media account. Tinawag pa niya itong G*g* dahil pinahihirapan daw nito ang kanyang buhay.

Nag-ugat ang kanyang galit sa usapan nila ng dating aktres na ibebenta nito ang kanyang Toyota Camry dahil kailangang-kailangan nga ng actor para mabayaran ang penalty sa isang kasong kinakaharap niya.

Ito ay ‘yung nahuli siyang naninigarilyo sa loob ng CR habang nasa flight ng Philippine Airlines.

Limang buwan na raw ang nasabing sasakyan kay Nadia pero hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang nangyari dahil ito nga raw ang magbebenta nito.

Ilang beses na siyang nakipag-communicate sa aktres pero dedma raw ito at blinock pa siya sa social media.

Minsan na siyang nanawagan kay Nadia noon sa kanyang FB account pero dinilete na rin niya ito.

Ang gusto lang ni Baron ay maibalik ang kotse at maibenta ito kaysa raw makulong siya.

As of this writing, wala pa namang buwelta si Nadz sa paratang na ito sa kanya ng aktor.
Yun na!