Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Baron kinain ang paa ni Janelle

0 136

Feeling ng magaling at award-winning actor na si Baron Geisler ay na-hijack siya ni Direk Brillante Mendoza.

Tinawagan daw kasi siya ng Cannes award-winning director dahil may proyekto ito para sa kanya.

Dahil wala namang sinusunod na iskrip si Direk Brillante kapag nagso-shoot, nagulat daw siya nang sabihin nitong meron siyang pitong sexy scenes sa pelikulang gagawin niya.

Aniya, bagamat asiwa siya sa katawan niya, pinanindigan na rin daw niya ang paghuhubad dahil sobra ang tiwala niya kay Direk Brillante na siyang producer ng movie nilang Pusoy.

First time rin daw niyang sumabak sa mga eksenang may kinky scenes at shades of sadomasochism.

Puring-puri naman niya ang kanyang sex partners sa movie na sina Janelle Tee at Angeli Khang dahil game ang mga ito sa mga sizzling sex scenes nila with him sa pelikula. May eksena rin na kinain niya ang paa ni Janelle na walang pahid ng alcohol. Bagamat may ‘sabit’ sa paa ng beauty queen turned actress, tinuloy na lang daw ni Baron dahil walang cut si direk.

Feeling din niya, hindi niya matagumpay na maitatawid ang ganoong mga kaselang eksena kung walang kooperasyon ang kanyang co-stars.

SM food to go Banner Ad

Hindi rin niya ikinaila na ang nasabing pelikula ang naging ugat ng problema nilang mag-asawa.

Pero sa ngayon daw ay okey na sila ng misis niya. Malapit na raw silang muling magkita after months of rehab and counseling.

Tungkol naman sa emote niya noon na sana mga pelikulang hindi sex lang ang tema Ang gawin ng Vivamax, nilinaw naman niya na he has nothing against sexy films as long as it is tastefully done.

If the project is right, gagawa pa rin daw siya ng mga pelikulang may sangkap ng sex depende sa proyekto.

Naniniwala rin siyang hindi naman nababago ang pagiging spiritual niyang tao sa paggawa ng kanyang trabaho bilang aktor.

Kasama ni Baron sa Pusoy sina Vince Rillon, Angeli Khang, Janelle Tee, Jela Cuenca, Julio Diaz, Raquel Montesa, Kiko Matos at marami pang iba.

Palabas na sa Mayo 27 sa Vivamax, ang Pusoy ay mula sa direksyon ng award- winning director na si Phil Giordano.

Leave A Reply

Your email address will not be published.